Heads up QCPD Gen. Remus Medina!

February 7, 2022 Marlon Purification 252 views

Marlon PurificationCONGRATULATIONS kay Brig. Gen. Remus Balingasa Medina, bagong direktor ng Quezon City Police District (QCPD), kapalit ni Brig. Gen. Antonio Yarra na itinalaga naman bilang bagong hepe ng Police Regional Office (PRO) 4A.

Positibo ang mga kaibigan natin sa QCPD sa pagkakatalaga kay Gen. Medina. Magaling, mahusay at mabait daw kasi itong opisyal.

Si Medina ay dating hepe ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) kaya naniniwala ang kapulisan na sa pagkakatalaga sa kanya bilang hepe ng QC PNP, maraming tulak ang lalo pang maaaresto ng mga awtoridad.

Miyembro si Medina ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapaglunsad Class of 1993.

Pagbungad ko nga sa radyo nitong Lunes ng umaga, bigla kong narinig na dalawang suspected holdaper ang napatay ng mga elemento ng QCPD.

Ibigi sabihin, asahan ang maramihan pang accomplishments ang magagawa ng QCPD sa ilalim ng liderato ni Gen. Medina.

Bilang isang kaibigan, may gusto lang po tayong ibigay na babala sa kanya.

Tungkol ito sa isang indibiduwal na ang lakad ay buong giliw na kailigalan.

Ang tinutukoy ko po ay may alyas na JJC.

Maraming galit kay JJC kasi nanakbo ito ng milyon pisong halaga ng salapi.

Para mas maintindihan ang picture ng kalokohan ni JJC, nagpapakilala itong siya raw ang binigyan ng blessing para magtayo ng illegal na lotteng sa pinakamamal na lungsod sa Metro Manila.

Ang kubransa raw nito ay nagkakahalaga ng P1 million kada araw.

Batid nating lahat na bukod sa droga ay mahigpit ang tagubilin ng Duterte administration laban sa illegal gambling.

Ang bangka ni JJC ay isang alyas Boss G.

Kaya bago masira ang pangalan ni Gen. Medina, mabuti pang sawatahin agad nito ang kalokohan ni JJC.

Dahil naniniwala ako na ngayon pa lang ay gumagapang na uli ito para magyabang, magpabibo at gumawa ng illegal sa lungsod.

Kung baga, hini-heads up natin siya para alam niya ang posibleng mangyari na may isang anay ang puwedeng sumira sa kanyang pangalan.

Umaasa tayong ipapahanap agad ni Gen. Medina si JJC.

At muli, Congratulations Gen. Remus Medina, Sir!

Good luck po and Godspeed!!!