PNP Ang magkasanib pwersa ng LTO-Malaybalay at PNP-CIDG, Bukidnon habang iniisa isa ang mga ebidensiyang nakumpiska sa suspek. Photo courtesy of LTO-Malaybalay, Bukidnon

Gumagawa ng fake driver’s license huli

August 30, 2021 Jun I. Legaspi 1064 views

ISA pang online scammer na gumagawa ng mga “fake” driver´s license ang dinakip ng magkasanib pwersa ng Land Transportation Office (LTO) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa entrapment operation sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon kay LTO-Law Enforcement Service, director Atty. Clarence V. Guinto sa report na pinadala ng LTO-Malaybalay Office ang suspek ay nakilalang si Alfed Ganbol, 57, ng Misamis Oriental.

Ayon pa kay Guinto, sa entrapment operation ilan sa mga nakumpiska ng LTO-Malaybalay at PNP-CIDG, Bukidnon ay mga finished product driver´s license, LTO-Official Receipt, LTO, Application form para sa driver´s license, P8,000 marked money, P5,00 boodled money, buy-bust, cellphone, at iba pa.

Ang mga nakumpiskang driver´s license ay ready for delivery na sa mga may ari nito, kumpleto ng pangalan, address at iba pang mga detalyadong impormasyon saad ni Guinto.

Sa Investigation ng LTO at PNP-CIDG umaabot ng P8,000 ang singil ng bawat driver´s license kapalit ng questionable na driver’s license.

Ayon kay Guinto ang suspek ay sinampahan na ng kasong Violation of Republic Act 9845, (Anti-Red Tape Act 2007 at Article 171 ng Revised Penal Code (Falsification of Public Documet) sa prosecutor’s office ng siyudad.

AUTHOR PROFILE