AldenAlden

Guesting ni Alden sa ‘It’s Showtime,’ walang problema sa TVJ

December 6, 2023 Ian F. Fariñas 162 views

WALANG problema kina Tito, Vic and Joey ang recent guesting ni Alden Richards sa kalaban nilang programa na It’s Showtime ng ABS-CBN.

Kasama ni Alden na um-appear sa show ang co-star niyang si Megastar Sharon Cuneta para mag-promote ng pelikula nilang “Family of Two” na dinirek ni Nuel Naval para sa Cineko Productions.

Kung si Tito Sen ang tatanungin, hangga’t maaari ay dapat lang na mag-promote ang dalawa ng kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry sa lahat ng programa.

“Eh, walang problema ‘yon. Saka contract star ng GMA si Alden, alangan namang hindi siya mag-promote du’n. We have no problem with that at all,” dagdag pa ng dating senador.

Matatandaan na hindi nakasama si Alden, ang kalahati ng AlDub phenomenal loveteam, nang lumipat ang EB sa TV5.

Pero nananatili siyang loyal sa longest-running noontime show na inamin niyang malaki ang naitulong sa kasikatan niya ngayon.

AUTHOR PROFILE