Kathniel

Kathryn at Daniel magkikita sa Asia Artist Awards event

December 7, 2023 Aster Amoyo 181 views

HINDI maiiwasang magkitang muli ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tulad sa nalalapit na Asia Artist Awards na gaganapin sa Philippine Arena in Bulacan sa darating na December 14, Thursday from 12:30 p.m. to 9:30 p.m.

Ang red carpet ay magsisimula ng 12:30 p.m. habang ang awarding will start at 3 p.m. at magtatapos ng 9:30 p.m. Ito ang maituturing na longest award-giving event in Asia.

Bukod kina Kathryn at Daniel, inaasahan din ang pagdalo ng iba pang Filipino artists tulad nina Melai Cantiveros at ng mga grupong SB19, Horizon at Ben&Ben.

Nakatakda ring dumalo sa nasabing parangal ang mga Korean actors na sina Kim Seon-ho, Ahn Hyo-seon, Kim Si-jeong, Moon Ga-young, Lee Jun-ho, Jung Sung-II, Kim Young-dae, Lee Jun-young, Moon Sang-nun, Yoo seon-ho, Ahn Dong-goo at Park Jae-chan. Darating din ang ilang K-Pop groups tulad ng Stray Kids, Itzy, Lapillus, Kep1ler, New Jeans, LE SSERAFFIM, ZeroBaseOne, NMIXX, BoyNextDoor, The Boyz and Seventeen BSS.

Inaasahang dadayuhin ang Philippine Arena ng fans.

The 55-thousand seating capacity Philippine Arena is the world’s largest indoor arena na matatagpuan in Sta. Maria, Bulacan.

Ang 2023 Asia Artist Awards ay jointly organized by PULP Live World, Star News, The Asia Artist Awards Organizing Committee and TONZ Entertainment.

Jimmy from singer to lawyer

JimmyIT’S never too late for 48-year-old singer, songwriter and musician Jimmy Bondoc to fulfill his dreams of becoming a lawyer dahil isa siya sa 3,812 new lawyers na pumasa sa bar exams released by the Supreme Court on Tuesday, December 5.

Although nakapagtapos na siya ng Communication Arts sa Ateneo de Manila University, it was on 2017 when he decided to take up law at the San Beda College of Law na kanyang tinapos sa University of the East College of Law and took the bar exams last September.

Si Jimmy ay kasalukuyang naninilbihang isa sa mga Board of Directors ng Phlippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Among the songs na kanyang pinasikat include “Let Me Be The One” (his biggest hit), “The Man I Was With You,” “Akin Na Lang Sana Siya,” Hanggang Dito Na Lang” at iba pa.

Ang kanyang pagpasa sa bar exams ay maituturing ni Jimmy na maagang Christmas gift para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Jimmy was previously in a relationship with singer Nina Girado.

Anak nina Toni at Direk Paul bininyagan

ToniToni1BININYAGAN last December 3, 2023 ang bunsong anak ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga na si Pauline Celestine or `Polly.’ Ang kanilang panganay na si Severiano Elliot `Seve’ ay seven years old na ngayon.

Sina Paul at Toni ay ikinasal nung June 12, 2015.

Paolo ‘di sinipot ang premiere night ng pelikula

PaoloHINDI sinipot ng actor-host na si Paolo Contis ang premiere night ng movie nila ni Rhian Ramos, ang “Ikaw at Ako” na ginanap sa SM Megamall nung nakaraang Martes ng gabi, December 5. Inisip marahil ng Fil-Italian actor na walang ibang itatanong sa kanya kundi ang pag-pabor ng IPO (Intellectual Property Office) sa petitioner na sina Tito, Vic & Joey as the true owner ng trademark na “Eat Bulaga” o EB.

Si Paolo ay isa sa hosts ng “Eat Bulaga” on GMA. Baka raw umiiwas ang Fil-Italian actor sa mga itatanong sa kanya tungkol sa pag-pabor ng IPO (Intellectual Property Office) sa petition nina Tito, Vic & Joey as the true owner ng trademark na “Eat Bulaga” o EB.

Samantala, first movie team-up nina Paolo at Rhian ang romantic movie na “Ikaw at Ako” na pinamahalaan ni Rechie del Carmen na tinatampukan din nina Ronaldo Valdez, Boots Anson Roa, Phoebe Walker at iba pa at kung saan naman ipinapakilala si James Blanco Fatima Mislang and produced by Viva Films. Ito’y palabas na sa mga sinehan simula nung nakaraang Miyerkules, Decemeber 6.

James at Bimby nag-uusap na muli

BimbyMASAYA ang dating cager-turned politician na si James Yap na bukas na muli ang kanilang komunikasyon ng anak na si Bimby (16) sa kanyang ex-wife na si Kris Aquino after almost a decade na hindi sila nag-uusap.

Si James ay ikinasal in civil wedding rites kay Kris nung 2005 at nagkahiwalay ang dalawa five years later in 2010. Taong 2012 naman napawalang-bisa ang kasal nila.

Si Bimby ay kasalukuyang nasa Amerika kasama ang maysakit nitong inang si Kris at nakatatandang kapatid na si Joshua.

Si James ay may isa pang anak sa isang non-showbiz girl bago si Bimby at may dalawang anak din siya sa kanyang present partner, ang Italian national na si Michela Cazzola.

Ina ni VG Mark dinalaw si Kris sa Amerika

Bimby1Bimby2SI Kris Aquino na rin mismo ang nag-initiate ng kanilang break-up sa kanyang boyfriend for months, ang bise-gobernador ng Batangas na si Mark Leviste due to distance.

But most recently, naging bisita ni Kris sa kanyang inuupahang bahay in California, USA ang ina ni Mark na si Gng. Patsie Leviste kasama ang panganay na anak ng politician-businessman na si Vice-Mayor Ronin Leviste ng Lian, Batangas kasama ang girlfriend nitong si Councilor Andrea Macaraig of Batangas City, isang patunay na maganda ang relasyon ng pamilya ni Mark sa pamilya ni Kris.

Kung hiwalay na sina Kris at Mark, bakit dadalaw ang pamilya ni Mark kay Kris?

Nananatili namang tikom ang bibig ni Vice-Governor Mark tungkol sa present status ng relasyon nila ni Kris.

Miles nakapag-move on na sa breakup nila ni Elijah

MUKHANG nakapag-move on na ang actress-host na si Miles Ocampo sa kanyang recent break-up with ex-boyfriend na si Elijah Canlas nang ito’y humarap sa entertainment media during the grand press conference ng pelikulang “A Family of Two (A Mother and Son Story)” na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards na pinamahalaan ni Nuel Naval mula sa script ni Mel Mendoza-del Rosario and produced by Cineko Productions.

Ayon sa dalaga, mas nakatuon umano ngayon ang kanyang attention sa self-love at sa kanyang trabaho bilang actress at isa sa mga co-host at Dabarkads ng “E.A.T.” noontime show on TV5.

Si Miles ay nasa pangangalaga ngayon ng Crown Artists Management na pinamumunuan ng actress, host at entrepreneur na si Maja Salvador.

Sen. Lito natutuwa sa pagbabalik ng action sa TV

LapidNATUTUWA ang dating action star-turned senator na si Lito Lapid na bumabalik na sa telebisyon ng mga action-drama projects na pinatunayan ni Coco Martin sa una nitong serye, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na sinundan ng “FPJ’s Batang Quiapo” ngayon. Maganda rin ang ratings ng ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid sa GMA.

Ayon sa actor-politician, marami umano ang nabibigyan ng trabaho sa mga action-drama series at kasama na rito ang mga stuntmen kung saan nagsimula si Lito.

Humarap kamakailan lamang si Sen. Lito sa entertainment media for his advance pre-Christmas get-together with them.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermaoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE