Pauleen

Pauleen at Tali, inabutan ng lindol sa ferris wheel

December 6, 2023 Vinia Vivar 159 views

Kasalukuyan palang namamasyal sa Tagaytay si Pauleen Luna kasama ang anak na si Tali nang lumindol last Tuesday.

Ibinahagi ng dating aktres sa Instagram Story ang kinalalagyan nila habang lumilindol at makikitang nasa himpapawid sila ni Tali habang nakasakay sa ferris wheel.

Kaya ganu’n na lang ang nerbyos ng misis ni Vic Sotto.

Post ni Pauleen, “5.5 magnitude earthquake at Tagaytay. Where were you?”

Sa larawan ni Pauleen ay makikita ngang takot na takot siya at sey pa niya sa caption, “Pawis na pawis.”

Sumunod na IGS post niya ay picture pa rin ni Tali na tuwang-tuwa habang nakasakay sa ferris wheel without knowing na lumilindol.

“The carriage was shaking! Ang sarap maging bata, walang takot???” sey ni Pauleen.

Anyway, kasalukuyang nagdadalangtao ang dating aktres sa pangalawang anak nila ni Bossing Vic Sotto.

Babae ulit ang kanyang ipinagbubuntis.

AUTHOR PROFILE