GMA

GMA Afternoon Prime, maraming paandar sa bagong taon

January 7, 2024 Ian F. Fariñas 151 views

Tuloy sa pagbibigay ng mga kakaiba at makabuluhang programa ang GMA Afternoon Prime ngayong 2024.

Ipalalabas this year ang kauna-unahang adaptation ng isang K-drama sa afternoon slot na pinamagatang Shining Inheritance.

Pagbibidahan ito nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager at seasoned actress Coney Reyes.

Makikilala naman si Kapuso Little Princess Jo Berry bilang si Lilet Matias: Attorney-at-Law. Marami ring bagong kuwento na aantig sa bawat pamilya gaya ng Mommy Dearest, A Mother’s Tale at A Family Like Us.

Unique ang istorya pero very relatable naman para sa mga nangangarap ang upcoming series na Forever Young at For the Love of Kobe.

Magsisimula naman ngayong January 8 sa GMA Afternoon Prime ang handog ng GMA Public Affairs na Makiling, na pinangungunahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Abangan ang mas pinalakas na GMA Afternoon Prime ngayong 2024.

AUTHOR PROFILE