Glaiza sa 2022 na ikakasal

December 3, 2021 Aster Amoyo 368 views

XianDAPAT sana’y first TV series ng dating Kapamilya actor na si Xian Lim sa bakuran ng GMA ang “Love.Die.Repeat” kung saan niya katambal ang Kapuso singer-actress na si Jennylyn Mercado pero ang nasabing serye ay pansamantalang natigil dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis ng singer-actress courtesy of her husband na ngayon na si Dennis Trillo. Dahil dito, binigyan ng Kapuso network ng bagong project ang nobyo ni Kim Chiu, ang “False Positive” na pinagtatambalan nila ng singer-actress na si Glaiza de Castro.

Speaking of Glaiza, the singer-actress is carrying a long distance relationship with her Irish fiancé na si David Rainey. The couple got engaged on Christmas eve nung isang taon sa Ireland.

Since may bagong TV project si Glaiza sa GMA, hindi sigurado kung siya’y makakalipad patungong Ireland para muling mag-spend ng Christmas holidays with her fiancé and his family.

Glaiza and David are expected to get married in 2022 at siguradong kasama sa wedding entourage ang kanyang beshie, ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

Virtual Christmas party for the press ng ABS-CBN dama ang pagmamahal

DESPITE the present situation, a virtual Christmas thanksgiving party for the entertainment media and vloggers was hosted by ABS-CBN last Thursday, December 2 kung saan lahat ng mga `dumalo’ ay nagkaroon ng pagkakataong mag-participate sa popular segment ng “It’s Showtime” ang “Madlang Pi-Poll” hosted by Kim Chiu, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, tatlo sa mga regular hosts ng top-rating and long-running noontime show. Ang studio contestants ay sinalihan ng ABS-CBN vice-president of Integrated Corporate Communications na si Kane Errol Choa, Kapamilya Media Relations Manager na si Aaron Domingo at ang radio-TV host na si Papa Ahwel Paz habang ang entertainment media and vloggers naman kanilang kalaban with the latter winning P50,000 na pinaghati-hatian ng limang winners at P10,000 each.

Kahit virtual lamang ang naganap na Christmas thanksgiving party for the entertainment media and vloggers ng ABS-CBN, damang-dama ng mga nag-join sa zoom gathering ang efforts at pagmamahal ng Kapamilya network sa kabila ng pagkawala ng kanilang prangkisa. Bukod sa experience na makapag-participate sa “Madlang Pi-Poll” segment ng “It’s Showtime,” nagbahagi rin ng special song numbers ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Rachel Alejandro, Jed Madela, ang Tawag ng Tanghalan grand champion na si JM Yosures at Reiven Umali. The entire proceedings was ably hosted by DJ Jhai Ho. Binigyan din ng tribute ang ilan sa mga namayapa nating mga kasamahan sa panulat na sina Ricky Lo, Roel Villacorta, Vir Gonzales at Throy Catan at dalawang empleyado ng ABS-CBN na sina Patty Ramirez at Ryan Ramos who worked closely with the press. Nagpaabot naman ng pagbati ang top bosses ng ABS-CBN na pinangunahan ng chairman na si Mark Lopez, president-CEO na si Carlo Katigbak, COO for Broadcast na si Cory Vidanes, ang dating president-CEO at host ng longest-running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” at award-winning actress na si Charo Santos-Concio, TV production and Star Magic head na si Laurenti Dyogi maging ang ilang stars ng Kapamilya network tulad nina Erich Gonzales, Dimples Romana, Charlie Dizon, Julia Montes, Jaime Fabregas at Angel Aquino. Nagpaabot din ng kanilang pagbati ang managing director ng Star Cinema na si Olivia Lamasan maging ang PR head ng Star Magic na si Thess Gubi.

Tulad ng 2021 Christmas theme ng ABS-CBN na “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa,” ito ang ipinadama ng Kapamilya network sa mga taga-entertainment media at vloggers.

Sana lamang sa susunod na administrasyon ay muling maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN upang mas maraming tao ang kanilang mapasaya at matulungan.

DonnyTambalang Donny at Belle inaasahang mas iinit sa 2022

ANG tambalang Donny Pangilinan (23) at Belle Mariano (19) or DonBelle ay inaasahang papalo nang husto sa taong 2022 matapos i-launch ang kanilang team-up sa hit mini-series ng iWant TFC at Kapamilya channel na “He’s Into Her”. Ang dalawa ay muling magbabalik sa kanilang launching movie na “Love is Color Blind” na dinirek ni John Leo Garcia at matutunghayan simula ngayong December 9 on KTX.Ph.

Makakasama nina Donny at Belle si Angelina Cruz (anak ng estranged couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz) at Jeremiah Lisbo, among others.

Si Donny na anak ng celebrity couple na sina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa ay unang ipinareha sa ex-PBB housemate-turned singer-actress na si Kisses Delavin na isa na ngayong Kapuso talent. Habang ang singer-actress na si Belle ay nagsimula bilang child actress sa kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Inaasahan ng fans ng DonBelle na mapapanood din nila ang kanilang mga idolo sa isang regular TV series na silang dalawa rin mismo ang mga pangunahing bituin.

SethdreaMini-series nina Andrea at Seth palabas na

TEEN stars Andrea Brillantes (18) and Seth Fedelin (19) are back sa isa’t isa sa kanilang pinakabagong mini-series na “Saying Goodbye” na mapapanood simula ngayong gabi (December 4) sa bagong streaming site na iQiyi in cooperation with ABS-CBN.

Sina Andrea at Seth ay huling napanood sa hit primetime inspirational TV series na “Huwag Mangamba” kung saan din nila nakasama sina Francine Diaz at Kyle Echarri na kamakailan lamang nagtapos.

At 18, natupad na ng teenstar at vlogger ang kanyang pangarap sa kanyang pamilya, ang mabigyan ng sariling bahay.

Si Andrea na nagsimula sa showbiz bilang child star ang siyang tumatayong bread winner sa kanyang pamilya gayundin ang ex-PBB housemate-turned actor na si Seth.

Jane‘Darna’ in full swing na ang taping

IN full swing na ngayon ang lock-in taping ng modern version ng Pinoy heroine classic, ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pinagbibidahan ng 23-year-old Kapamilya actress na si Jane de Leon. Ito’y mula sa direksiyon ng award-winning veteran director na si Chito Rono under ABS-CBN.

The Darna project was really meant for Jane matapos dumaan sa iba’t ibang challenge ang proyekto which was originally intended as a movie project na pagbibidahan dapat ni Angel Locsin na sinundan ni Liza Soberano.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay kontrabida ang magiging papel ni Janella Salvador, ang snake-haired na si Valentina, ang mortal na kaaway ni Darna.

Samantala, Jane is now sporting a new look at bumagay sa kanya ang bob cut.

Ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ay inaasahang ipapalabas ng ABS-CBN sa unang quarter ng 2022.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE