Bala

Ginang utas sa 14 na bala

April 4, 2024 Jonjon Reyes 102 views

BarilTODAS ang 40-anyos na ginang makaraang pagbabarilin ng 14 na beses sa mukha at ulo ng hindi nakilalang mga suspek sa Laong Laan St., Tondo, Maynila noong Miyerkules.

Nakilala ang biktima na si Rosette ng Laong Laan, Brgy. 155, Zone 14, Tondo, Manila.

May taas na 5’4 hanggang 5’6 naka itim na jacket, black short pants at naka tsinelas ang isa sa mga suspek. Nasa 5’5 hanggang 5’7 ang taas, naka gray na jacket, itim na short pants, puting T-shirt ang pangalawang suspek, ayon sa mga witnesses.

Sa ulat ni Det Bryan Silvan at Det. Boy Niño Baladjay kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-7:45 ng gabi ng barilin ang ginang habang nagbabantay sa kanyang sari-sari store.

Nakatakbo pa hanggang sa kusina ang suspek pero sinundan ng mga salarin at doon pinagbabaril sa ulo at mukha sa harap ng kanyang kinakasama.

Narekober ang 14 na basyo ng bala, 3 metallic fragment at apat na bala na hindi pumutok sa crime scene.

AUTHOR PROFILE