Posas

2 NBI ‘agents’ nangikil, timbog

April 4, 2024 Jonjon Reyes 51 views

ARESTADO ng mga National Bureau of Investigation-Central Luzon Office agents ang dalawang lalaki na nagpanggap na ahente ng ahensya at nagtangkang mangikil sa perya operator sa Pulilan, Bulacan.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Timothy at William na ngayo’y nahaharap sa mga kasong robbery-extortion at usurpation of authority of official function at illegal possession of firearms.

Nag-ugat ang operasyon mula sa complainant na nagpakilala umanong NBI agents at nangikil ng pera mula sa complainant na nag-ooperate sa “peryahan.”

Humirit umano ang suspek ng P200,000 bilang protection money at binantaan ang complainant na ipasasara ang operasyon ng perya kapag hindi ito nagbayad ng demand money.

Bunsod nito, dumulog ang complainant sa NBI at ikinasa ang entrapment sa napagkasunduang meeting place sa Pulilan, Bulacan kung saan naaresto ang mga suspek.

AUTHOR PROFILE