Ginang, tiklo dahil sa illegal recruitment

January 17, 2022 Jonjon Reyes 236 views

BITBIT ang 3 warrant of arrest ng mga operatiba ng Manila Police District sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Candon City sa Ilocos Sur, nang isilbi sa nakakulong na ginang, dahil sa patong-patong na kaso ng illegal recruitment.

Nakilala ang suspek na si Analyn Ducusin, 43 anyos, may asawa ng Parioc 1st Candon, Ilocos Sur.

Ayon sa ulat ni P/Lt.Col.Orlando Mirando Jr., Station Commander ng MPD- Station 6, nagtungo ang kanyang mga tauhan sa nasabing piitan ng bandang 11:45 ng tanghali sa pangunguna ni P/Major Geuel Capuz, hepe ng Intelligence Section at ni P/Lt.Renato Ramento, hepe ng Warrant Section, kasama ang ilang tauhan nito, upang isilbi ang arrest warrant kay Ducusin.

Nakipag-ugnayan ang grupo kay P/Lt.Col.Randy Rocero Arellano, ng Candon City Police, saka ipinakita ang arrest warrant na inisyu ni Hon. Rodolfo Dizon, Presiding Judge ng Regional Trial Court Br. 18, ng City ng Ilagan Isabela dahil sa kasong illegal recruitment na may piyansang P120,000.00.

Sumunod na ipinakita ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jennifer Humiding, Presiding Judge, RTC Branch 63, ng La Trinidad Benguet dahil din sa kasong illegal recruitment na walang piyansa.

Bukod pa rito, nahaharap din sa kasong large scale estafa na sangkot sa Economic Sabotage na inisyu naman noong Marso 26, 2021 ng RTC BR. 29, Cabanatuan Nueva Ecija. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE