Default Thumbnail

Ginang nagpuslit ng droga sa kulungan, himas-rehas

May 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 193 views

ARESTADO ang isang ginang matapos magpuslit ng ipinagbabawal na gamot sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.

Nakilala ang suspect na si Aharayam Sarih Jaidi alias Ahang , 64, residente ng Sitio Caragasan, Barangay Maasin, Zamboanga City.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO9), dakong 4:20 p.m. nang makatanggap sila ng tawag mula sa Bureau of Corrections kaugnay ng pagkakadakip ng mga ito sa suspect sa isang routine inspection sa mga bisita sa kulungan.

Nakuha umano mula sa suspect ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 2.7 grams at nagkakahalaga ng P18,360.

Ang naarestong suspect ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.