Gillian

Gillian, na-trauma sa pagkakadawit sa KathNiel breakup

February 11, 2024 Vinia Vivar 128 views

Inamin ni Gillian Vicencio na nagulat siya sa pagkaka-link niya kay Daniel Padilla at sa tsikang siya ang third party sa breakup nito at ni Kathryn Bernardo at humantong pa nga sa pag-unfollow sa kanya ng aktres sa social media.

Nakausap namin si Gillian sa first anniversary celebration ng Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga last Saturday.

“Nagulat po ako talaga. Kasi, wala naman po talagang ganu’n, eh. ‘Yung lumalabas na ano, wala po akong sinabing ganu’n, wala pong nangyaring ganu’n, so, nagulat po ako sa mga nangyari. And parang first time ko po na magkaro’n ng ganu’ng issue or something,” sey ni Gillian.

Ang tinutukoy niya ay ‘yung lumabas na sinabi niya umano na may nangyari sa kanila ni DJ at sinabi pa niya diumano ang ‘size’ ng aktor.

Dahil dito ay katakut-takot din na pangba-bash ang naranasan niya mula sa KathNiel fans.

Aminado ang aktres na nagkaroon siya ng trauma in a way sa mga natanggap na bashing at talagang iniyakan niya rin ito talaga.

Pero hinayaan na lang niya at hindi na lang siya sumagot.

“Hindi rin naman po natin makukontrol ‘yung mga tao. Parang kahit ano naman ang gawin mo, may masasabi’t masasabi sila, so, hayaan na lang.

“Parang kahit ano naman ang sabihin mo, good or bad, papaniwalaan nila kung ano ‘yung papaniwalaan nila and I can’t control that. I can’t control the minds of other people.

“At least, I know myself and I know my truth,” she said.

Samantala, si Gillian ang latest addition sa more than 100 celebrity endorsers ng Beautederm at masaya ang batang aktres dahil napabilang siya sa mga sikat na artistang ambassador ng kumpanya.

Sa nasabing event ay dumating din ang iba pang Beautederm ambassadors tulad nina Sylvia Sanchez, Sam Milby at ang iba pang bagong endorsers na sina Ervic Vijandre at Kimson Tan.

Masayang-masaya naman ang president/CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na dumayo pa ang mga nabanggit na artista sa Angeles, Pampanga. Aniya ay hindi na siya nag-invite ng mga ambassador at kung sino lang ang makaalala at available.

Bukod sa first anniversary ng Beautederm Headquarters ay ipinagdiriwang din ng kumpanya ang kanilang 15th year this month. Nagkataon pa ang selebrasyon sa Chinese New Year.

Inanunsyo rin ni Miss Rei na abangan ang malalaking artista na ilo-launch nila bilang bagong ambassadors sa bandang June o July.

Nagtatanong nga ang press kung si Kathryn Bernardo ba ito dahil may larawan silang magkasama na lumabas kamakailan, pero smile lang ang isinagot ng glamorosang businesswoman.

AUTHOR PROFILE