Lolit

GABBY, DUWAG! — LOLIT

June 8, 2024 Vinia Vivar 115 views

Hanggang ngayon ay wala pa ring reaksyon si Gabby Concepcion sa panawagan ng kanyang dating manager na si Lolit Solis na mag-usap na sila at kalimutan na ang nakaraan.

“Duwag talaga si Gabby,” sey ni ‘Nay Lolit.

“Iba ang ugali ni Gabby kina Tonton (Gutierrez) and Bong (Revilla). Kay Tonton and kay Bong, halimbawa, may disagreement kayo, ‘pag nagbati na kayo, tapos na ‘yun.

“Si Gabby, ‘andu’n pa rin ‘yung takot na ‘baka tarayan ako ni Lolit.’ Alam mo ‘yung birthday kong last, magiging complete sana ang happiness ko kung ‘andu’n siya,” sey pa ng veteran showbiz columnist.

“Lahat ng alaga ko andu’n, eh. Siya lang ang wala. Kasi, hindi niya ma-dare na um-attend do’n kasi iniisip niya, ‘naku, baka ‘pag nakita ‘ko ni Lolit, talak-talakan ako.’ ‘Yun ang kinakatakot niya,” dagdag pa ni ‘Nay Lolit.

Matatandaan na nagkaroon ng falling out sina Gabby at ang kanyang former manager matapos ang Manila Film Festival scam noong 1994 kung saan nga ay ang aktor ang inanunsyong nanalong best actor sa halip na si Edu Manzano.

Pumunta ng US si Gabby matapos ‘yon and for the longest time ay doon siya nanirahan.

Umuwi lang siya ng ‘Pinas noong 2008 at binalikan ang kanyang showbiz career.

The rest, as they say, is history…

AUTHOR PROFILE