MPD Bilang ama ng kapulisan sa MPD Headquarters pinangunahan ni District Director PBGEN.Leo M. Francisco ang pamamahagi ng pagkain sa mga pulis na nakabantay sa mga lugar na posibleng ma-lockdown kapag sakaling may mag positibo ng Delta variant. Kuha ni JON-JON REYES

Francisco namahagi ng pagkain sa kapulisan, kabataan

August 1, 2021 Jonjon Reyes 606 views

PINANGUNAHAN ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Leo M.Francisco ang pamamahagi ng pagkain sa mga pulis at kabataan.

Sinabi ni Francisco na ang pagkain ay pinamahagi sa mga pulis na nakabantay sa mga lugar na posibleng ma-lockdown kung sakaling may mga mag positibo ng Delta variant o COVID-19.

Ayon kay Francisco na nakahanda din siyang mag monitor 24/7 sa Lungsod ng Maynila upang mabantayan at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan at ng kanyang mga kapulisan.

Mulong pinaalalahanan ni Francisco ang kanyang mga tauhan na doblehin ang pag-iingat sa kanilang trabaho at iwasan ang pananakit sa mgs quarantine violators.

Samantala bago pa man ipatupad ang GCQ ay namahagi na rin ng pagkain sa mga bata at matanda ang mga Operatiba ng Scene Of Crime Operatives (SOCO-MPD) sa San Lorenzo Ruiz, Binondo, Manila sa pamumuno nina Police Maj. Liz Ann Sucgang, PLt. Col. Joselito Savares, chief ng MPDCLO kasama si Father Sigfred Arellano na siyang Parochial Vicar sa Minor Basilica ng San Lorenzo Ruiz.

Namahagi rin ang SOCO Team ng mga face mask at face shield. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE