Default Thumbnail

P.8M shabu nakumpiska sa 3 Chinese national

August 1, 2021 Melnie Ragasa-limena 410 views

AABOT sa mahigit P863,600,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya mula sa tatlong Chinese national sa isang buy-bust operation sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City, nitong LInggo ng umaga.

Ang mga nadakip na suspek ay nakilalang sina Wille Lu Tan alias Chen Bien, 42; Antong Wong alias Wang Zhong Chun/Wang Min, 28, at Chen Zhin, 79, pawang mga Chinese nationals.

Nadakip ang mga nasabing Chinese bandang alas-10: 30 ng umaga (August 01) sa Magsaysay St., Barangay San Bartolome, Novaliches, kung saan ay nakumpiska sa kanila ang 127 kilos ng shabu na nakalagay sa isang vaccum sealed na plastik na lalagyan ng mga tsaa at may tatak na Chinese character.

Sinabi ni Directort Adrian Alvarino, hepe ng PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS), ang mga suspek ay pawang miyembro ng isang malaking transnational syndicate na sangkot sa pagbebenta ng shabu sa bansa.

Inihayag naman ni PNP Drug Enforcement Group Director Police Brig. General Remus Medina na patuloy ang ginagawa nilang pagmomonitor at operason laban sa mga high value target ng iligal na droga sa bansa.

Pinapurihan naman ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang kaniyang mga tauhan at PNP sa matagumpay na operasyon.

Giit ng PDEA chief, pagpapakita lamang ito na iisa ang hangarin ng dalawang ahensiya na matuldukan ang problema sa iligal na droga sa bansa.