Celeste

Fil-Am na Miss U, nagpasalamat sa mga Pinoy… mga kababayan, dismayado sa pagkalaglag ni Celeste

January 15, 2023 Ian F. Fariñas 252 views

Celeste1Catriona

DISMAYADO ang maraming Pilipino kahapon sa hindi pagpasok ni Miss Universe Philippines Celesti Cortesi sa Top 16 semi-finalists sa prestigious pageant na ginanap sa New Orleans Ernest N. Morial Convention Center.

Ang hindi pagkakapili kay Cortesi ang tumapos sa mahigit isang dekadang winning streak ng bansa sa Miss U.

Pero agad ding nabawi ang kanilang mood nang tanghaling Miss Universe 2022 ang Fil-Am beauty na si R’Bonney Gabriel ng USA.

Katwiran ng netizens, hindi man pinalad si Cortesi, at least, may dugong Pinay pa rin ang nag-uwi ng korona.

Sa gitna ng pagkadismaya ng mga kababayan, nagawa namang magbiday ng pag-asa ng isa sa backstage hosts na si Catriona Gray, Miss Universe 2018.

Aniya, “Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia — I know you might be feeling a little bit of disappointment right now but we always have next year.”

Sa interbyu matapos ang coronation, pinasalamatan ni R’Bonney Gabriel ang mga Pilipino sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanya.

“Maraming, maraming salamat sa lahat ng tulong niyo. The support is everything. I feel it in my heart. The Filipino blood is so strong. We are hardworking, we are fun, and we are determined. I am so proud to be a half Filipina,” turan ng bagong Miss U.

Si R’Bonney Gabriel ay isang model at fashion designer na nagmamay-ari ng eco-friendly clothing brand na R’Bonney Nola.

Anak siya ng Pinoy na si Ramon Bonifacio ‘R’Bon’ Gabriel sa Amerikanang si Dana Walker. Meron siyang tatlong kapatid na lalaki.

Nineteen years old nag-migrate sa Amerika ang tatay ni R’Bonney Gabriel para mag-aral.

Kwento niya sa isang interview, “My dad moved to America from the Philippines on a college scholarship with about $20 in his pocket. He wanted to pave a new life for himself. He met my mom in Texas, who is a country woman from Beaumont. I’m a very proud Filipina Texan.”

Dagdag pa niya, natuto siyang yakapin ang pagkatao niya matapos magwagi bilang Miss USA.

Pagkatapos daw kasi nu’n, nakakatanggap na siya ng mga mensahe sa kanyang Instagram account mula sa mga Pinay na tuwang-tuwa sa tagumpay niya.

“They’re crying tears of joy because they are inspired to go after pageantry or something. Like I’m paving the way for them to just go after whatever they want no matter what it is. So it’s an honor,” sambit pa ni R’Bonney Gabriel patungkol sa mga kapwa-Pinay.

Samantala, ang itim na gown na suot niya sa Miss U coronation ay gawa ng Pinoy designer na si Rian Fernandez.

Ang itim na onyx at glass mirror drops daw ay sumisimbolo sa reflection at self-growth, ayon kay Fernandez.

AUTHOR PROFILE