Fans nina Manilyn at Janno matagal natanggap ang paghihiwalay

November 11, 2021 Aster Amoyo 233 views

ANG titulong “Mang Jose” ay hango sa hit song ng Parokya ni Edgar nung taong 2005 which inspired engaged couple Direk Dan Villegas at writer-director na si Antoinette Jadaone na i-produce itong isang action-fantasy-comedy movie under Viva Films na pinagbibidahan ng singer-actor-comedian na si Janno Gibbs at pinamahalaan ni Rayn F. Brizuela. Bukod kay Janno, tampok din sa nasabing movie ang kanyang ex-girlfriend at dating ka-loveteam, ang singer-actress and entrepreneur na si Manilyn Reynes, ang kanyang misis, ang singer-actress na si Bing Loyzaga, ang singer-actor at comedian na si Jerald Napoles at dating kasamahan ni Jerald sa teatro at GMA na si Mikoy Morales. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang magkaroon ng special screening sa darating na Miyerkules, November 17 sa Vivamax na susundan ng regular streaming on December 24, 2021 also on Vivamax global which include USA, Canada, Middle East, Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia and New Zealand. Simula naman on November 19 (Friday) ay available na ang Vivamax streaming sa Amerika at Canada.

Matagal-tagal ding panahong hindi nagsama sa isang proyekto ang dating magka-loveteam at magkasintahan na sina Manilyn at Janno gayundin si Janno with his wife na si Bing kaya personal niyang ni-request na isama sa movie ang dalawa at pinagbigayan naman siya.

Sina Manilyn, Janno at Bing ay magkakasama dati sa youth-oriented daily program na “That’s Entertainment” hosted and line produced by the late star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno on GMA kung saan maraming young talents ang pumaimbulog sa kasikatan na ang iba sa kanila ay aktibo pa rin ngayon.

Ang tambalan nina Manilyn at Janno ay isa sa hottest loveteams nung late 80’s to mid-90’s but by twist of fate, nagkahiwalay ang dalawa and end-up marrying their co-member sa “That’s Entertainment” na sina Aljon Jimenez (kay Manilyn) at Bing Loyzaga (kay Janno).

Unang nag-asawa si Janno (kay Bing) nung 1990 at nagkaroon sila ng dalawang anak na parehong babae, sina Alyssa at Gabby. Six years later in 1996 ay nagpakasal naman sina Manilyn at Aljohn at sila’y nabiyayaan ng tatlong anak (all boys) na sina Kyle, Kirk at Kael.

Sa paglipas ng panahon, natanggap din ng kanilang mga tagahanga na hindi talaga para sa isa’t isa sina Manilyn at Janno.

Since magkakasama dati sa “That’s Entertainment” sina Manilyn, Janno, Bing at Aljohn, napanatili ng apat ang kanilang pagiging magkakaibigan kaya hindi nahirapan si Janno na pagsamahin ang dalawa sa “Mang Jose” kung saan gumaganap na isang Pinoy hero ang singer-actor-comedian.

Si Janno ay dalawang beses nagbida sa movie adaptation ng action-fantasy-adventure movie na “Pedro Penduko” which was serialized in Liwayway Magazine, ang “Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko” in 1994 kung saan niya nakasama ang mga yumaong comedians na sina Chiquito at Bing Angeles at sumunod ditto ang “Pedro Penduko: The Return of the Comeback” in 2000. Kaya tumagal din 21 years bago muling nakagawa si Janno ng isang action-fantasy-comedy movie sa pamamagitan ng “Mang Jose” na may kakaibang powers.

Hindi man kasali sa darating na Metro Manila Film Festival ang “Mang Jose,” natutuwa si Janno dahil ito’y matutunghayan on Pinoy streaming app na Vivamax on December 24, 2021 na mapapanood hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na inaabot ng number 1 Pinoy streaming app.

Bago ang “Mang Jose” na magkakaroon ng special screening on November 17, 2021 on Vivamax, huling napanood si Janno sa sex-comedy movie na “69 + 1” mula sa panulat at direksiyon ng tinaguriang `Pandemic Director’ na si Darryl Yap.

KrisKris nakababahala ang kapayatan

KABALIKTARAN sa inaasahan ng marami na bongga ang magiging kasal ng engaged couple na sina Kris Aquino at Mel Sarmiento, gusto ng dalawa na maging simple at pribado lamang ito. Pero hindi pa nagsi-share ang couple kung kelan ito mangyayari at kung saan ito gaganapin.

Naniniwala ang actress-host na ang kanyang yumaong kaisa-isang kapatid na lalake na si former President Noynoy Aquino ang nagsilbing `mathmaker’ nila ng kanyang fiancé. Unang nagkakilala sina Kris at Mel nang maging DILG Secretary ang huli during PNoy’s term at muli silang pinagtagpo ng tadhana sa wake mismo ng namapayang Pangulo na siyang naging simula ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.

Ang maganda, agad naging magaan ang loob ng dalawang anak ni Kris na sina Joshua (26) at Bimby (14), laluna ang huli.

Binigyan ni Kris ng halaga ang dalawa niyang anak sa taong gusto niyang makasama habang buhay.

Samantala, marami ang nababahala sa sobrang laki ng ipinayat ni Kris na ang timbang ngayon ay 95 lbs. na lamang.

PaoloPaulo umaming nanligaw kay Janine

KUNG ang light family-drama TV series na “Marry Me, Marry You” ay unang tambalan sa telebisyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, ang dalawa ay nagtambal na sa pelikulang “Ngayon Kaya” na dinirek ni Prime Cruz and was supposed to be intended for the first Metro Manila Summer Festival last year pero dahil sa pandemya hindi natuloy ang nasabing filmfest.

Walang masyadong nakaalam na nanligaw noon si Paulo kay Janine at twice umano silang lumabas for a date. Pero sa hindi malamang dahilan ay hindi nagpatuloy sa kanyang panliligaw si Paulo hanggang dumating sa buhay ng singer-actress ang singer-actor na si Rayver Cruz. Si Paulo naman ay may ibang girlfriend ngayon, ang model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Ayon kay Paulo mas lalo umano niyang nakilala nang husto si Janine nang magsama sila sa movie at sa kanilang TV series, their first together sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa kabila na hindi nauwi sa relasyon ang dalawang beses nilang pagdi-date, masaya silang dalawa na magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

Vic SottoPauleen nakigulo sa ‘Cash Landing on You’

NUNG nakaraang Miyerkules, November 10 ay 33rd birthday ng misis ni Bossing (Vic Sotto) na si Pauleen Luna-Sotto. Dahil kaarawan ng singer-actress-host, pumayag ito na maglaro sa “Cash Landing On You,” segment ng “Eat Bulaga” kung saan parehong host ang mag-asawa. Si Pauleen ay tinulungan ng kanyang `tatlong army’ sa bahay na mga kasambahay at driver at nakisali rin si Vic at nakuha nila ang P50,000 cash prize para sa kanilang viewer partner dahil nagawa nila ang task.

Ang nakatutuwa, dahil sa “Cash Landing on You” segment ay naipakita sa mga manonood ang iba’t ibang bahagi ng kanilang magarang tahanan in Alabang.

Tuwang-tuwa naman ang kanilang four-year-old daughter na si Tali na kunwari’y kasali rin.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Faceboom@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE