Eugene Larawan mula sa IG/@eugenedomingo_official

Eugene Domingo may sinusunod na ‘T.I.T.E.’

November 9, 2023 People's Tonight 1854 views

PRANGKAHANG inamin ng actress-comedienne na si Eugene Domingo na mayroon siyang sinusunod na lifestyle ngayon na tinawag pa niyang “T.I.T.E.”

Sa isang interview kasama si Mj Marfori para sa Filipino reboot ng game show na “Takeshi’s Castle,” napag-usapan nila kung paano mina-manage ng aktres ang kanyang schedule gayong lumilipad siya sa Italy para makasama ang kanyang Italian husband.

Matatandaang kinumpirma ni Uge na ikinasal na siya sa Italy sa film critic na si Danilo Bottoni na tinatawag pa nga niyang “my husband” sa pagpapakilala rito.

Hirit ng komedyana, uunahin daw niya ang pagiging aktres kaya nagagawa pa rin niyang bumalik dito sa bansa.

“Uunahin natin ang raket para makarampa,” sey ni Uge.

Paliwanag pa niya, may sinusunod siyang acronym na “T.I.T.E.”

“Ganito na lang, sinusunod ko lang talaga yung sinasabi nila na…” bigla namang nag-alangang sabihin ng komedyana ang kanyang sagot, pero saad ng kanyang co-star na sina Sassa Gurl ay sabihin na niya.

“Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy. So, sa madaling salita, “T.I.T.E.” wika ni Uge at saka nagtawanan ang kanyang mga kasama.

Bumanat pa ang aktres na narinig lang niya ang acronym mula sa iba kaya ginaya.

“Hindi sa ‘kin galing ‘yon, narinig ko lang ‘yon ah. Pero ‘yon na talaga ‘yung pinaniniwalaan ko, ‘yung T.I.T.E.” aniya pa.

AUTHOR PROFILE