Sugar4

Sugar matamis na ang buhay matapos ang maraming pagsubok

November 10, 2023 Aster Amoyo 490 views

Sugar2SugarSugar1Sugar3MUKHANG masaya na ngayon ang buhay ni Sugar Mercado (37), singer-dancer at dating miyembro ng all-female dance group na Sexbomb at dating kasama ng old “Eat Bulaga” nina Tito, Vic & Joey at dati ring co-host sa “Wiltime Bigtime” at “Wowowin” ni Willie Revillame, kasama ang dalawa niyang anak na parehong babae na sina Gabrielle Sofia Go (10) at Olivia Isabel Go (8) sa kanyang ex-husband na si Kristoffer Jay Go.

Nauwi man sa hindi maganda ang paghihiway nila ng kanyang dating mister, umaasa si Sugar na magkakaroon ng magandang relasyon ang dalawa niyang anak sa kanilang biological father na may iba na ring pamilya ngayon.

Sa aming exclusive na panayam kay Sugar sa aming online show, ang “TikTALK with Aster Amoyo,” inamin nito na lumagda umano siya ng pre-nuptial agreement ng sila’y ikasal ng kanyang dating mister dahil hindi umano siya gusto ng magulang (particularly ng ama) ng kanyang dating husband.

Dumaan umano siya sa trauma nang ihabla umano siya pati ang kanyang parents ng kampo ng dating asawa na umabot umano ng 22 counts para takutin umano siya at planong kunin ang dalawa niyang anak. Pero kahit wala siyang pera noon at stable na pinagkakakitaan, lumaban umano siya at 21 dito ay na-dismiss na umano except for one.

Ang naging unang sandalan ni Sugar ay ang Diyos dahil walang-wala rin umano ang kanilang pamilya na mahirap lamang.

Annulled na ang kasal ni Sugar sa dating mister na may ibang pamilya na ngayon habang siya’y nananatiling single at nakatutok ang attention sa kanyang dalawang anak at paghahanap-buhay.

Hindi ikinahihiya ni Sugar ang payak na pamumuhay ng kanyang pamilya na nanirahan noon sa squatter’s area at sa isang babuyan. Naranasan din umano niyang kumain ng mga tira-tirang pagkain (pagpag) mula sa isang kilalang food chain. Pero bago ito kainin ng kanilang pamilya ay pinaiinit umano nila.

As a young kid ay naranasan ni Sugar magtinda ng kandila sa harapan ng simbahan habang ang kanyang ina ay nagbibenta ng religious pins na isinasabit sa mga taong magsisimba. Wala naman umanong suwerte ang kanyang namayapang ama pagdating sa trabaho kaya tulung-tulong silang apat na magkakapatid at ng kanilang ina sa paghahanap-buhay para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan laluna sa pagkain. Nagpalipat-lipat din umano sila ng tirahan at nakaranas na ilipad ng bagyo ang bubong ng kanilang tirahan dahil nakaipit lamang ang mga ito sa mga gulong ng sasakyan. Ang huli nilang nilipatan ay isang babuyan in Cavite.

Sumakabilang-buhay naman ang kanyang ama nung kasagsagan ng Covid-19.

Ayon kay Sugar, lumaki umano silang magkakapatid sa maraming pagsubok.

She was 13 nang siya’y sumali sa “EB Babe” segment ng dating “Eat Bulaga” nina Tito, Vic & Joey at 14 naman siya nang siya’y mapasali sa dance group ng Sexbomb Dancers kung saan siya naging bahagi sa loob lamang ng halos isang taon. Then napabilang siya sa “Eat Bulaga” bilang isa sa Dabarkads na tumagal ng pitong taon.

Thankful si Sugar sa naging exposure niya sa “Eat Bulaga” dahil nakagawa siya ng ilang pelikula, TV series at iba’t ibang TV guestings. Nagpapasalamat din siya kay Bossing (Vic Sotto) dahil isinama umano siya nito sa kanyang weekly sitcoms na “Ful Haus” sa GMA at “My Darling Aswang” sa TV5. Madalas din umano siyang magperform sa comedy bars na pag-aari ng isa sa mga Dabarkads ng “Eat Bulaga” na si Allan K. at naiimbintahan siya sa iba’t ibang corporate shows maging sa mga fiesta.

Nagsisipag si Sugar sa kanyang trabaho at negosyo para mabigyan ng magandang kinabukasan ang dalawa niyang anak.

“Ayaw kong maranasan ng mga anak ko ang pinagdaanan ko at ng pamilya ko at natutuwa ako na parehong mababait at may takot sa Diyos ang mga bata,” aniya.

Although wala na umano siyang komunikasyon sa dating mister, napatawad na umano niya ito maging ang magulang nito.

“Mas gusto ko nang mag-focus sa mga positibong bagay at sa mga anak ko,” inya.

“Lahat naman ng mga bagay dito sa mundo ay hiram lang natin sa Diyos kaya huwag nating sambahin ang pera, kayamanan at katanyagan dahil kaya Niya itong bawiin anumang oras na naisin Niya,” pagbabahagi pa ni Sugar.

A social media influencer, si Sugar ay may iba’t ibang negosyo na rin at malaking tulong sa kanya ang kanyang iba’t ibang social media accounts.

Nakapagpatayo na siya ng bahay sa Cavite at nabigyan niya ng townhouse in Quezon City ang kanyang ina habang may sarili rin siyang bahay sa may Commonwealth in Quezon City kung saan niya kasama ang kanyang dalawang anak.

“God is good all the time!” diin pa niya.

Epy may mga talent na hindi alam ng marami

EpiEpi1ANG 50-year-old actor-comedian, director at entrepreneur na si Epy Quizon (Jeffrey Smith Quizon) ay bunso sa apat na magkakapatid sa kanilang Irish-American-Filipina mother, ang dating actress na si Pamela Ponti (Alice Smith in real life) at namayapang ama, ang comedy king na si Dolphy. Ang tatlo pa niyang full-blood siblings ay sina Eric Quizon, Ronnie Quizon at Madonna Quizon at may 14 pa silang half-siblings sa kanilang ama.

“Naranasan kong maging bunsong ana ng daddy ko, ganundin naman sina Edwin, Vandolph at Zia,” ani Epi na sobrang in-demand ngayon sa iba’t ibang mga top-rating TV series ng ABS-CBN maging sa kanyang pagiging co-director ng kanyang brother actor-director na si Eric Quizon sa “Quizon Avenue” at ang upcoming comedy show ng Net25, ang “One Four Three” kung saan din nila kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano, Vandolph Quizon, Boy2 Quizon at si Vito Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla at iba pa.

Sa kapatid na si Eric Quizon natutunan ni Epi ang pagdidirek at iba pang production work kaya silang dalawa ngayon ang co-star-directors sa “Quizon Avenue” at “One-Four-Three”. Bukod dito ay nag-direk din si Epi ng short movie na pinamagatang “Bukal” na umiikot sa iba’t ibang international film festivals sa ibang bansa. He is also into singing and composing songs na hindi alam ng marami. Mataas din umano niya ang respeto sa kanyang nakatatandang kapatid na si Eric dahil ito umano ang tumatayong `patriarch’ sa kanilang magkakapatid magmula nang yumao ang kanilang amang si Dolphy in 2012.

Pagkatapos niyang mapanood sa hit primetime TV series ng ABS-CBN, ang “Dirty Linen” ay napapanod siya ngayon sa bagong seryeng “Pira-Pirasong Paraiso” also on ABS-CBN, TV5, A2Z at Kapamilya Online.

Si Epy ay nagtapos ng kanyang pag-aaral ng Humanities and Philosophy sa De la Salle Univeristy.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster amoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE