Andrea Larawan mula sa IG/@blythe at @supremo_dp

Andrea, Daniel palihim na nagkikita — Ogie Diaz

November 9, 2023 People's Tonight 445 views

MAY nasagap umanong impormasyon mula sa kanyang source ang comedian-actor at entertainment reporter na si Ogie Diaz patungkol sa pasikretong pagkikita raw nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.

Sa online talk show na Ogie Diaz Showbiz Update, napag-usapan nila ang kumakalat na tsismis na hiwalay na ang aktor na si Daniel sa kanyang nobya at ‘A Very Good Girl’ star na si Kathryn Bernardo.

“Talagang pinag-uusapan sa social media yung ngang diumano ang hiwalayan ni Daniel at Kathryn na ang dahilan daw ay si…” sey ni Ogie.

“Sino?” tanong naman ni Mama Loi.

Nilinaw naman naman ng comedian-actor na hindi pa kumpirmado ang kumakalat na balita.

“Eh siyempre hindi naman to confirmed ha. Kaya dapat marinig din natin ang panig nila. Kasi nili-link si Daniel kay Andrea Brillantes,” saad ni Mama Ogs.

“Di ba nakakaloka,” aniya pa.

Isiniwalat din ng entertainment reporter na pinagseselosan umano ni Kathryn si Andrea at pasikreto pa raw na nagkikita ang ‘Senior High’ star at si Daniel.

“ang pinagselosan ni Kathryn ay si Andrea Brillantes. Na may nag-chika pa sa akin na nagkikita ng lihim o pasikretong nagkikita si Daniel at si Andrea…” pahayag ni Ogie.

“Sabi ko lumang tao si Daniel eh at medyo may pagka-conservative ‘yon… kasi talagang grabe niyang mahal si Kathryn,” pagpapatuloy niya.

“Sabi sakin, basta abangan na lang natin, may pa-ganyan pa jusko…” dagdag pa niya.

Kamakailan lang ay may inilabas ding tsika si Ogie na hindi raw bet makatrabaho ni Kathryn si Andrea.

Ang naging dahilan daw umano ni Kathryn ay ang pagka-link ni Andrea at ng kanyang nobyo, na siyang naging dahilan umano ng tampuhan ng dalawa.

AUTHOR PROFILE