Heart

HEART, VIRAL NA NAMAN

November 9, 2023 Vinia Vivar 218 views

Viral na naman si Heart Evangelista dahil sa kanyang video kung saan ikinukwento niya ang kanyang school days.

Sa video ay mapapanood na tinanong ang aktres sa isang Q&A kung magkano ang baon niya sa school noong nag-aaral siya.

Aniya, noong nag-aaral siya sa States ay may mga lunch card ang mga student.

Matatandaang sa US nanirahan ang aktres noong bata pa siya at bumalik lang sa Pilipinas noong teen-ager na.

Nang nag-aaral na siya rito sa ‘Pinas, ani Heart, P300 ang kanyang baon na of course, that time ay malaki na.

“Here in the Philippines, I would have about P300 but because that was my food in the school was a little bit expensive at that time,” kwento ng fashion icon.

Pero lagi pa ring nauubos ang pera niya, hindi sa pagkain kundi sa kung anik-anik na stuff.

“Ang totoong reason kung bakit nauubos ang pera ko sa school kasi, ako ‘yung laman ng book store. Bili ako nang bili ng mga sketch pad, mga stationary, ‘yung mga ballpen, ‘yung mababango rin ‘yung mga eraser, ‘yung mga ganyan. Saka pilot ballpen na purple. So, du’n lagi nauubos ‘yung pera ko sa school,” tsika niya.

Kaya ang ending, dahil wala na siyang pera, inililbre siya lagi ng kanyang male classmate na tanda pa niya ang name, huh!

Sa comment section ay nagkomento ang isang netizen na napakalaki ng baon ni Heart dahil siya raw ay P20 lang that time.

“Let’s say, Grade 6 ka nung year 1997 and you have 300 baon??!! Omg,” sey pa ng isang netizen.

AUTHOR PROFILE