Default Thumbnail

Estudyante na-depress, hinihinalang nagbigti

August 23, 2022 Edd Reyes 468 views

PINANINIWALAANG nagbigti ang isang 19-anyos na estudyanteng dumaranas ng depresyon sa loob ng bahay ng kanyang lolo Lunes ng hapon sa Navotas City.

Isinugod pa ng kanyang ina sa Navotas City Hospital ang estudyanteng biktima subalit idineklarang patay na ng doktor na sumuri sa kanya nang idating sa naturang pagamutan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Reysie Peñaranda ng Navotas Police Investigation Unit, dakong alas-2:15 ng hapon nang magtungo ang ina ng biktima sa bahay ng kanyang ama sa Roldan St. Brgy Tangos upang hanapin ang kanyang anak.

Nang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ang ina ng estudyante, nakita niya ang nakabitin niyang anak kaya’t nagsisigaw siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na kaagad namang tumugon at tumulong na mapatid ang lubid na nakapulupot sa leeg ng binata.

Hindi naman nagbigay pa ng ibang dahilan ang pamilya ng biktima sa tunay na dahilan ng maagang pagpapatiwakal ng binata maliban sa dumaranas umano ito ng depresyon.

AUTHOR PROFILE