Gerald

Engagement ring ni Julia, pinag-iipunan ni Gerald

March 21, 2023 Vinia Vivar 341 views

Diretsong sinabi ni Gerald Anderson na si Julia Barretto na nga ang babaing pakakasalan niya.

Sa panayam sa aktor sa Korina Interviews ng Net25, isa sa mga napag-usapan nila, of course, ay si Julia.

Una munang tanong ng host na si Korina Sanchez ay kung kailan sila ikakasal.

Sagot ni Gerald, “Everything na ginagawa ko ngayon is because of alam ko naman na malapit na ‘yun, eh. ‘Di ba? Kumbaga, hindi naman ako ‘yung 25-year- old na ‘hindi, trabaho muna ‘ko, career muna.’

“You know, honestly, genuinely, lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa show business, sa pagiging businessman, is leading up to that point.”

Tanong uli ni Korina, “So, it’s gonna be Julia, you think?”

Natawa si Gerald and without batting an eyelash, he answered, “Siya talaga.”

Paliwanag ng aktor, “Alam mo, you just know. Alam mo lang, eh. You feel na may nagbabago sa ‘yo. You feel na nag-iiba rin ‘yung or mas… nag-iba ‘yung priorities mo or mas naging malinaw sa ‘yo ‘yung priorities mo.

“’Yun, alam mo ‘yung kasabihan na ano, ‘you just know.’ Ang hirap mag-explain, eh. Iba ‘yung feel.”

Nagbiro si Korina na baka raw magulat si Julia na parang nag-propose na si Gerald on national television.

“Nag-propose ka na on the set. That sounded like a proposal to me,” sabi ni Korina.

Asked kung engaged na sila, sey ni Gerald, “Hindi po, I wouldn’t ano…”

Nagbiro na naman si Korina na maghanda na si Gerald ng ring dahil parang nag-propose na rin ito sa lagay na ‘yun.

“Pinag-iipunan pa niya, kailangan pang kumita ng gym,” biro pa ni Korina.

Agree naman si Gerald.

Aniya, “Yes, kailangan pang dumami nito,” na ang ibig sabihin ay ang bagong-tatag niyang gym.

AUTHOR PROFILE