Vetracin

Empi, vetracin, suka gamot sa ASF

March 11, 2024 Christian D. Supnad 154 views

LIMAY, Bataan–Gamot sa kinatatakutang African Swine Fever (ASF) ang mixed Emperador light (locally called Empi), vetracin at suka.

Ito ang napatunayan ng hog raiser sa Sitio Peas, Brgy. Duale ng bayang ito.

Personal na napatunayan kamakailan ni Jovit Sumile, hog raiser na may 20 baboy pigs, epektibo ang pinaghalong Empi, vetracin at suka para labanan at gamutin ang ASF.

Sinabi ni Sumile na lungkot na lungkot siya noon dahil ‘di na makatayo, ‘di na kumakain at mukhang mamamatay na lahat ng kanyang mga baboy na infected lahat ASF.

“Di na sila makatayo, naghihingalo na lahat ang mga baboy ko matapos silang tamaan ng ASF. Lalo akong nalungkot dahil lahat na mga kapitbahay kong nag aalaga ng baboy ay namatay lahat ang kanilang alagang baboy sa ASF,” ani Sumile.

Bagamat hindi siya liquor drinker, binigyan ni Sumile ng advise pabiro ang kanyang mga barkadang manginginum na subukan niyang gamutin mixed Empi, vetracin at vinegar na agad naman niyang isinubo isa-isa sa mga may sakit na baboy niya sa hapong iyon.

Kinaumagahan, nagulat na lamang si Sumile nang makita niyang nagtatakbuhan at malusog na malusog na ang kanyang mga baboy na parang walang nangyari.

Nang ibinalita ito kay Dr. Albert Venturina, provincial veterinarian, humanga din ito at gusto niyang makausap si Sumile para kumuha ng karagdagang impormasyon.

“Malay mo, ito ay tunay ngang epektibo, walang masamang pag aralan natin baka ito na ang makakagamot sa ASF, ani Dr. Venturina.

Wala pang natutuklasang gamot at 100 percent ang mortality rate sa mga domestic na baboy at baboy ramo ang ASF.

Napag alaman din na wala pa ring epektibong bakuna para sa ASF.