Ellen

Ellen ginaya si Taylor Swift para kay Derek

August 19, 2023 People's Tonight 226 views

MULING nagkaroon ng nakatutuwang interaction ang mag-asawang sina celebrity mom Ellen Adarna at kanyang asawa at model-actor na si Derek Ramsay sa social media nitong Biyernes, Agosto 18.

Nagsimula ang kanilang interaction nang mag-post si Ellen ng isang anunsyo para sa kanyang mga followers na magpapa-giveaway siya ng concert tickets ng The Eras Tour ng singer-songwriter na si Taylor Swift.

Makikita sa kanyang Instagram post ang detalye ng kanyang giveaway at kumanta pa nga ang celebrity mom sa kanta ni Swift na “Long Live” habang nagpi-piano.

Nagbigay komento naman ang asawa ni Ellen na si Derek sa nasabing post at ipinakita ang kanyang pagmamahal at sense of humor sa asawa.

“I’d rather watch your concert!!” komento ng model-actor.

Sumagot naman si Ellen sa komento ni Derek at sinabing, “Buy me a mic and karaoke set. Kthanksbye.”

Ikinatuwa naman ng ilang netizens ang interaction nilang ito.

“@ramsayderek07 BEST COMMENT EVER,” komento ni user @dr.baker.

“Mas maganda raw ang boses mo kapag walang mic sabi ng mister mo,” saad naman ni user @mc1103love.

“@maria.elena.adarna the ‘kthanksbye’ leaving no chance to say no stay pretty!” komento naman ni user @itsrmarieofficial.

Matatandaang si Ellen ay nagkaroon ng anak sa award-winning actor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Sa kasalukuyan, kasal si Ellen kay Derek Ramsay, nag-isang dibdib sila noong November 11, 2021.

AUTHOR PROFILE