Eleazar Pormal na inaseste ni MPD Director Police Brig.General Leo M. Francisco (kanan) si PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa arrival honors sa Command Visit ng top cop sa MPD Headquarters sa U.N. Avenue sa Ermita. Manila. Kuha ni JON-JON REYES

Eleazar: Kalahati ng crime rate sa PH nalulutas

October 19, 2021 Francis Naguit 261 views

KALAHATI ng crime rate sa bansa ay nalulutas.

Ito ang pinagmalaki ni PNP Chief Guillermo Lorenzo T. Eleazar nang magsagawa siya ng command visit sa Manila Police District (MPD) Headquarters sa U.N Ave, Ermita Manila.

Kasabay nito ay nagbigay ng ipasasalamat at mahalang mensahe si Gen. Eleazar sa mga kapulisan ng MPD.

Sa kanyang una at huling command Talk to Men and Women na isinagawa sa nasabing himpilan, ipinunto ni Gen. Eleazar na malaki na ang pagbabago sa sistema ng pagresolba sa mga nahuhuling kriminal.

Kung noon aniya sa bawat apat na kaso ay isa lang ang nalulutas, ngayon aniya sa dalawang kaso ay isa ang nareresolba ng pulisya. Ito malaking kaibahan aniya kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ayon pa kay Gen. Eleazar, kailangang maibalik ang tiwala ng publiko sa buong PNP upang sa ganun magiging matagumpay ang paglaban sa mga krimen at terorista sa bansa.

Dapat aniya sa pagsisimula pa lamang ng pagkakamali ito ay agapan upang hindi na lumala.

Partikular na tinawagan ng pansin ng PNP Chief ang 1,500 police stations at idagdag pa rito ang police community precincts.

Aniya, kailangan din na maging malinis at maayos ang mga tanggapan ng stations dahil ito ang salamin ng buong PNP.

Lunes ng umaga ng magsimula si Gen. Eleazar sa kanya pag-iikot o Command Visit sa mga District ng Metro Manila.

Una nitong dinalaw ang NCRPO sa camp Bagong Diwa sa Ilalim ni Police Maj.General Vicente D.Danao Jr. bago nagtungo sa SPD,EPD,NPD,QCPD at MPD naa pinamumunuan ni Police Brig.General Leo M.Francisco..

Pinaliwanag naman ng Chief PNP na bilang bahagi ng kanyang karera ay pinili niyang maging huling stop ang NCRPO dahil dito niya natamo ang matinding tagumpay sa kanyang police service, o ang tinatawag niyang “Saving the best for last.” Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE