Jericho Rosales

ECHO, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN ISYU KAY KIM

January 13, 2024 Vinia Vivar 139 views

Ayaw magkomento ni Jericho Rosales hinggil sa napapabalitang hiwalayan nila ng misis na si Kim Jones.

Nakapanayam ng ABS-CBN News si Echo sa isang event at natanong sa aktor ang tungkol sa issue ng hiwalayan pero “no comment” ang kanyang sagot.

“No comment. It’s not the place. I never really talk about relationships,” pahayag ni Echo.

Nang tanungin kung bakit hindi siya nagsasalita tungkol sa issue, ayon kay Echo, okay naman sila ni Kim.

“We are happy, we are good, Kim and I are amazing. We are fantastic,” sey ng aktor.

Matatandaan na umugong ang balitang hiwalay na sina Echo at Kim matapos i-blind item ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang tungkol sa gwapong aktor na hiwalay na sa misis at inaayos na ang annulment pero nananatili umanong mabuting magkaibigan ang dalawa.

Marami ang humula na sina Echo at Kim ang tinutukoy sa blind item dahil sa mga clue na ibinigay ni Ogie.

AUTHOR PROFILE