KAPUSO STARS

KAPUSO STARS, NAGLILIBOT SA MGA FIESTA

January 13, 2024 Vinia Vivar 202 views

Sa pagsisimula pa lang ng taon ay nag-umpisa nang lumibot muli ang mga GMA artists para maghatid ng saya at maki-join sa masasayang selebrasyon, courtesy of GMA Regional TV.

Nauna nang naki-party ang ilang stars ng Asawa ng Asawa Ko na sina Rayver Cruz, Liezel Lopez, Martin del Rosario at Jeniffer Maravilla sa selebrasyon ng 48th Sinulog Festival last Jan. 12 sa Negros Occidental.

Nasundan ito noong Jan. 13 nang dumalo naman sina Kapuso stars Rocco Nacino at Andrea Torres, kasama si Kapuso host Martin Javier sa Binibini ng Kalibo Ati-Atihan 2024 sa Kalibo, Aklan.

Bukas, Lunes (January 15), dapat abangan ng mga Kapusong Tarlaqueño dahil masayang makiki-fiesta sa Kaisa Festival ng Tarlac City ang Makiling stars na sina Derrick Monasterio, Elle

Villanueva, Thea Tolentino at Kristoffer Martin, kasama pa ang SparkleU: #Soundtrip stars na sina Althea Ablan, Zephanie at Michael Sager.

Magdadala rin ng good vibes si Pokwang at Kapuso host Boobay sa fun-filled celebration na gaganapin sa Tarlac City Plazuela, Tarlac City sa ganap na alas-sais ng gabi.

AUTHOR PROFILE