DZRH Survey: BBM malayong una pa rin

March 20, 2022 People's Tonight 152 views

Kung masyado malaki DZRH survey:

BBM MALAYONG UNA PA RIN!

Ni MARLILANG linggo na lamang bago ang halalan ay mas napatatag pa ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang matibay na hawak sa kalamangan laban sa kanyang mga katunggali matapos na muling manguna sa pre-election poll na inilabas ng DZRH, isa sa pinakakilala at pinakikinggan na radio station sa buong bansa.

Base sa kanilang pinakabagong Desisyon 2022 survey na isinagawa noong Marso 12, 2022, nakakuha si Bongbong ng 49.8% na boto mula sa 7,566 na respondents.

Pinatotohanan ng survey na ito ang naunang nailabas na survey ng Pulse Asia kung saan nanatili ang malaking kalamangan ni Bongbong matapos makakuha ng 60% voter preference.

Matatandaan na sumalang si Bongbong sa ‘Bakit Ikaw? Presidential Job Interview’ ng DZRH kung saan napabilib niya ang taumbayan dahil sa kanyang intelektwal at malalim na sagot kung paano niya hahawakan at patatakbuhin ang pamahalaan matapos siyang magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9.

Patuloy sa pangangampanya si Bongbong at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte sa iba’t-ibang parte ng bansa upang ihatid ang kanilang mensahe ng pagkakaisa at mga programa para sa mga Pilipino ng direkta sa mamamayan.

Ayon din sa survey, nasa malayong pangalawa si Leni Robredo na may 21.4%, Isko Domagoso 9.8%, Manny Pacquiao 8.0%, at Ping Lacson 4.7%.

Samantala, ang undecided o wala pa ring napipiling kandidato ay nasa 3.9%.

AUTHOR PROFILE