Cocojuls

Dumalo sa ABS-CBN Ball milyon milyon ang halaga ng damit at alahas

October 3, 2023 Aster Amoyo 219 views

FransethKathnielPicPic1KUNG eleven years nang namamayagpag sa kasikatan ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kilala as KathNiel, may mga bagong sibol na loveteams ang isa-isa na ring umaarangkada ngayon at nangunguna sa mga ito ang tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano or DonBelle na sinusundan ng team-up nina KD Estrada at Alexa Ilacad or KDLex maging nina Francine Diaz at Seth Fedelin or FranSeth, among others.

Sa isinagawang poll ng nagtapos sa muling pagbabalik ng ABS-CBN Ball nung nakaraang Sabado, September 30 sa grand ballroom ng Shangri-La Manila in Makati City, nanguna ang tambalan nina Donny at Belle sa poll ng People’s Choice Power Couple and indivually bilang People’s Choice: Male and Female Star of the Night kasunod ang loveteam nina KD Estrada at Alexa Ilacad at pangatlo naman ang tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin. Si Anji Salvacion naman ang tinanghal na People’s Choice: Star Magic Fan Favorite kasunod sina Alexa at Vivoree Esclito.

Muling naibalik ng ABS-CBN ang glitz and glamour sa pamamagitan ng kanilang ABS-CBN Ball na may temang “Forever Grateful” matapos itong mahinto ng tatlong taon dahil sa pandemic at pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya network.

Ang annual ABS-CBN Ball ay okasyon ng pagtitipun-tipon ng mga stars and talents ng nasabing network gayundin ang kanilang mga executives at news anchors. Ito’y gumawa rin ng kasaysayan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalo sa nasabing okasyon ang big bosses ng GMA sa pangunguna nina Atty. Felipe Gozon at anak nitong si Atty. Annette Gozon-Valdez.

Marami ring `firsts’ ang nasabing okasyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalong magkasama ang longtime partners na sina Coco Martin at Julia Montes, ang bagong magkasintahang Carlo Aquino at Charlie Dizon, ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto (na dating Kapamilya), Francine Diaz at Seth Fedelin, ang engaged couple na sina Sam Milby at 2018 Miss Universe Catriona Gray, Rico Blanco at Maris Racal, RK Bagatsing at Jane Oineza, Elisse Joson at McCoy de Leon, Zanjoe Marudo at Ria Atayde at iba pa. Dumalo rin ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Gladys Reyes at Christopher Roxas, Sylvia Sanchez at Art Atayde, Maja Salvador and Rambo Nunez, Jericho Rosales and Kim Jones at iba pang couples.

Ang “Forever Grateful” ABS-CBN Ball 2023 ay hindi lamang pagsasama-sama sa isang grand occasion ng mga executives, stars and talents ng ABS-CBN kundi bilang pasasalamat sa patuloy nilang existence sa kabila ng maraming pagsubok. Naging daan din ito upang makalikom ang Kapamilya network para sa kanilang ABS-CBN Foundation.

Samantala, solong rumampa ang Kapamilya youngstar na si Andrea Brillantes na sinasabing may suot na alahas na nagkakahalaga ng P320M na terno sa kanyang Mark Tumang red gown.Nagkakahalaga naman umano ng P13-M ang suot na Bvlgari jewelry ng fiancée ni Sam Milby na si Catriona Gray.

Nag-level up na rin sa pagiging primetime star si Andrea dahil ito ang pangunahing bituin sa primetime hit TV series na “Senior High”. She is also a successful vlogger at celebrity endorser.

Fans ni Jillian boto kay Ken

Pic2Pic3KAHIT maagang nabuwag ang tambalang Rita Daniela at Ken Chan, nagpatuloy ang huli sa kanyang karera bilang solo artist at pagiging isang successful young businessman.

Si Ken ay bahagi ngayon ng top-rating and long-running afternoon TV series ng GMA, ang “Abot Kamay na Pangarap” kung saan ang dating child star na si Jillian Ward ang pangunahing bituin.

Although malaki ang age gap (12 years) nina Ken at Jillian, maraming manonood ang kinikilig sa kanilang tambalan sa nasabingserye.

Hindi ikinakaila ng dating child star na boyfriend material umano si Ken na sobrang mabait, professional at family-oriented bukod pa siyempre sa pagiging successful businessman nito at a young age.

Since eighteen pa lamang si Jillian (turning 19 on February 23), hindi pa umano siya nagpapaligaw ngayon dahil naka-focus umano ang kanyang attention sa trabaho. Pero kung ang kanyang fans ang tatanungin, boto umano sila kay Ken sakaling manligaw ito sa dalaga.

Si Ken ngayon ang tumatayong `padre de familia’ sa kanyang pamilya matapos bumalik ang kanyang may sakit na ama sa isang pamilya nito.

Samantala, nagpapasalamat naman si Jillian sa actor-politician-producer nasi Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr. dahil muli siyang kinunsider na isama sa gagawin nitong bagong movie, ang “Lagot Ka sa Tatay Ko,” isang action-comedy movie.

Sina Sen. Bong at Jillian ay dalawang beses nagkasama sa pelikula when she was still a child star, ang “Si Agimat at si Enteng Kabisote” nung 2010 na sinundan ng “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” nung 2018. Five years later ay muli silang magkakasama bilang mag-ama sa pelikula.

Tulad ni Ken, si Jillian ay isa ring young entrepreneur sa tulong ng kanyang parents.

Fans ng ‘Showtime’ galit sa MTRCB

ShowtimeGALIT ang loyal televiewers ng “It’s Showtime” sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pinamumunuan ng chairperson na si Lala Sotto, panganay na anak ng dating Senate President at isa sa hosts ng isa pang noontime show na “E.A.T.” on TV5 na si Tito Sotto sa ipinataw na 12-day suspension sa leading noontime program on ABS-CBN na napapanood sa GTV ng GMA at sa A2Z.

Para sa kanila, naputulan sila ng karapatan na mag-enjoy sa kanilang panonood sa “It’s Showtime” na pinangungunahan ni Vice Ganda. Bukod dito, 12 days na walang trabaho at kita hindi lamang ang bumubuo ng cast kundi ang production staff and crew at lahat ng involved sa production na `no work, no pay’ ang arrangement. Ito’y bukod pa sa kikitain dapat ng TV network sa loob ng 12-day suspension.

“Yung isang araw nawala kang kita ay mahirap na, how much more ang dalawanglinggo?” laments a loyal televiewer ng “It’s Showtime”.

Dahil sa mabigat na pataw ng MTRCB sa programang “It’s Showtime,” pati tuloy ang “E.A.T” ng Tito, Vic & Joey on TV5 ay pinupuntirya ngayon ng netizens.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” ang “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE