DOT Nagpahayag ng pagsuporta sa mga programang pangturismo ng Bataan si DOT Region III Regional Director Richard Daenos, kaliwa, matapos ang kanilang pagbisita kina Gov. Joet S. Garcia at mga tourism officials dito. Kuha ni CHRISTIAN D. SUPNAD

DOT susuportahan ang tourism program sa Bataan

March 24, 2023 Christian D. Supnad 338 views

BALANGA CITY, Bataan – Nagpahayag nitong Biyernes ng pagsuporta sa mga programang pangturismo ng Bataan si Department of Tourism (DOT) Region III Regional Director Richard Daenos.

Ang balitang ito ay kasunod ng pagbisita ni Daenos kay Governor Joet S. Garcia dito sa “The Bunker,” Capitol Building, at mga tourism officials ng Bataan.

Ilan sa sinadya ng DOT official ay ang Bataan Tourism Center at Mt. Samat National Shrine (Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone [FTEZ]), upang malaman ang lagay ng probinsya pagdating sa turismo.

Sinabi ni Garcia na ilan sa mga tinalakay nila sa maikling pagpupulong sa The Bunker ay ang pagsusulong ng kultura, mga plano para sa Ikatlong Distrito ng Bataan, at iba’t-ibang suporta na maaaring ibahagi ng DOT sa patuloy na pag-unlad ng mga ipinagmamalaki tourist spots sa probinsya.

“Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa DOT at iba pang ahensiya ng ating pamahalaang nasyonal upang mas mapalawig pa ang pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan,” dagdag pa ng gobernador.