Donnalyn Larawan mula sa IG/Donnalyn Bartolome

Donnalyn tamang timpla ng cute pero sexy

February 17, 2024 People's Tonight 153 views

BALANSE lang ang ipinapakitang kaseksihan at kakyutan ayon sa netizens ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Sa isang Instagram post ng social media personality, sabay niyang ibinandera ang kanyang sweet face at sumisirit na alindog mula sa mga ibinahaging larawan.

Nahuli ni Donnalyn ang kiliti ng mga kelot gustong pagpantasyahan ang mga tulad niyang bebot na tamang timpla lang ang taglay na sex appeal.

Pinusuan naman ng netizens ang mga larawan ng singer-vlogger. Napa-comment sila sa patikim niya ngayong Pebrero.Sey pa nga nila ay: “a fine balance of cute and sexy,” “February hottie,” “manifesting a perfect body like yours,” at “ganda ng idol ko!!!!”

AUTHOR PROFILE