Beauty Gonzalez

Beauty, 32, Kelvin, 25, feeling in love sa isa’t isa

February 18, 2024 Eugene E. Asis 299 views

THIRTY two years old na si Beauty Gonzalez samantalang 25 taon ang aktor na si Kelvin Miranda.

Pwede ba sila?

In real life, siyempre hindi na. Alam naman ng lahat na happily married na si Beauty sa businessman at art curator na si Norman Crisologo at may isa na silang anak, si Olivia.

Pero onscreen, malakas ang kanilang chemistry. Unang sinubukan ang tambalan nina Beauty at Kelvin sa isang GMA series na ‘Loving Miss Bridgette’ na nagkaroon ng mataas na ratings.

Ngayon, nasundan ito ng pelikulang ‘After All’ na isang May-December love story na sinulat ni Gina Marissa Tagasa at dinirek ni Adolf Alix, Jr.

Sa kanilang presscon sa Eastwood Richmonde Hotel, makikita ang kanilang chemistry at kung gaano na sila ka-close sa isa’t isa. Comfortable sila habang nagbibiruan, at may mga oras na touchy pa si Beauty kay Kelvin.

Hindi ba nagseselos ang mister ni Beauty na si Norman?

Beauty Gonzalez & Kelvin Miranda

“Ay, no,” ani Beauty. “He’s the most supportive husband in the world pagdating sa pag-aartista ko. He knows it is my passion. Pag pupunta nga ako sa shooting or taping, itatanong nyan, may kissing scene ka ba? Pag sinabi ko, oo, sasabihin niyan, o, mag-toothbrush ka muna para hindi ka nakakahiya.”

Puring-puri naman ni Kelvin ang professionalism ni Beauty. Hinahayaan siya nito na tingnan siya bilang isang ka-loveteam o love interest. Nang una raw niya itong makita, nagulat siya dahil mas maganda pa ito sa personal “at mas maganda pa sa mga mas bata sa kanyang artista.”

Binibiro nga ni Beauty si Kelvin kapag nasa set sila ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ (isang weekly series sa GMA7 kung saan gumaganap naman si Beauty bilang leading lady ni Bong Revilla). Sa naturang show, magkapatid ang roles nina Beauty at Kelvin. “O, bakit ganyan ang tingin mo sa akin?,” tanong daw ni Beauty kay Kelvin bago gawin ang isang eksena sa series. “Magkapatid tayo dito. Hindi dapat ganyan ang tingin mo sa akin.”

Nagtatawanan na lang sila at kaagad babawi si Kelvin ng tingin bilang nakababatang kapatid kay Beauty.

“Our loveteam basically works because of the chemistry,” paliwanag ni Beauty. “And of course, yung respect. Yung mga damdaming in love ka, may interes ka, in front of the camera lang yun.

When it’s off the camera na, balik sa younger brother, older sister relationship na kami.”

Sa tunay na buhay, baligtad ang sitwasyon. Beauty is in love with husband Norman who’s 15 years older than her. And that’s for real.

AUTHOR PROFILE