Zeinab Larawan mula sa IG/Zeinab Harake

Zeinab nagpa-tattoo kay Whang-Od

February 17, 2024 People's Tonight 314 views

PINUNTAHAN ng vlogger-turned-actress na si Zeinab Harake ang pinakamatanda at huling mambabatok ng Kalinga na si Apo Whang-Od.

Sa Instagram page ng social media star, ibinida nito ang mga larawan kasama ang tattoo artist.

“Finally with one and only Apo Whang Od,” sey niya sa captio ng kanyang post.

Hindi rin pinalampas ni Zeinab ang magpa-tattoo sa legendary master mambabatok.

Ikinatuwa naman ng mga netizensang pagdayo ni Zeinab kay Whang-Od. Ang mga comments: “Proud kalinga here.”, “Kilig parin me rn kase nag-comment ako about sa ganito na sana makapag-patattoo si mommy zeb kay Apo and finallyyyy!”, “Thank you ganda for appreciating and visiting our own province kalinga. Especially for appreciating the nature and masterpiece of our very own apo Whang od.”, “Whaaaaat that’s hella tight,sis!! Loveeee this! what an experience.”

Matatandaang nito lamang ay pinarangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Whang-Od sa Malacañang ng Presidential Medal of Merit.

AUTHOR PROFILE