Marian

DongYan, nakisaya sa 2nd year ng GMA Affordabox

August 6, 2022 Ian F. Fariñas 278 views

Mabibili na sa mas mababang presyo na P799 ang GMA Affordabox kasabay ng pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng Kapuso digital TV receiver.

Ginawang mas affordable ang GMA Affordabox mula sa original price na P888 kaya mas abot-kaya na ang viewing experience na “mas malinaw, mas makulay at mas maganda” kumpara sa analog TV.

Mas pinabongga ang 2nd anniversary nito dahil kasama sa celebration sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ipinakikilala rin ng GMA Affordabox ang kinagigiliwang mascot na makakasama ng Kapuso royal couple – si Affordy.

Ibinahagi ni Marian ang mga nagustuhan niya sa digital TV device na ito.

“Bukod sa napaka-affordable niya, mapapanood pa ito nang mas maliwanag, mas makulay at mas maganda. Kasi kapag gano’n ang offer, ibig sabihin mas masarap manood at mas naiintindihan mo kung anong pinapanood mo,” saad ni Marian.

Samantala, ikinatuwa naman ni Dingdong ang napakadaling installation steps para sa GMA Affordabox users.

“Kumbaga, babasahin mo lang ‘yung instructions, wala pang three minutes, mayroon ka na kaagad mapapanood.”

Mahigit dalawang milyong GMA Affordabox units na ang nabili mula nang ilunsad ito noong 2020. Natulungan nito ang mga Pinoy na lalo pang mag-enjoy na panoorin ang GMA at GTV sa mas mataas na kalidad kasama na rin ang GMA digital channels na Heart of Asia, Hallypop at I Heart Movies.

Mapapanood din sa digital broadcast ang ibang free-to-air channels na available sa bawat area.

Kasabay ng lumalaking bilang ng GMA Affordabox users, patuloy ding lumalawak ang coverage areas nito.

Sa Luzon — Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Benguet, La Union, Pangasinan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Quezon, Ilocos Sur, Abra, at Camarines Sur (kasama ang Naga City). Sa Visayas — Bohol, Iloilo, Guimaras, Cebu, Leyte (kasama ang Tacloban City), pati ang mga pinakabagong additional area sa Bacolod (at kalapit na lugar), Samar, at Negros Occidental.

Sa Mindanao – Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Misamis Oriental (kasama ang Cagayan de Oro), Camiguin, General Santos City (at kalapit na lugar kasama ang Polomolok) at Sarangani (Alabel, Glan at Malapatan).

AUTHOR PROFILE