Donbelle

DonBelle romcom, ipapalabas sa Cinema One

November 9, 2022 Ian F. Fariñas 232 views

Ipapalabas na ang He’s Into Her: The Movie Cut na pinagbibidahan ng New Gen Phenomenal Love Team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Blockbuster Sunday ng Cinema One sa Nobyembre 20, 7 p.m.

Ang romantic-comedy movie ay kwento ng probinsiyanang si Maxpein (Belle) na napilitan pumasok sa Benison International School sa pakiusap ng kanyang ama.

Makikilala ni Maxpein ang basketball varsity captain na si Deib (Donny) na magiging kaaway niya. Saksihan kung papaano magbabago ang kanilang aso’t pusang relasyon patungo sa hindi inaasahang pag-iibigan na hahadlangan ng mga problema sa pamilya at nakaraan.

Abangan din ang mga dubbed na pelikula tulad ng After the Ball, na pinagbibidahan nina Portia Doubleday at Chris Noth na ipapalabas sa Nobyembre 13 at ang tambalan nina Cha Tae-Hyun at Kim Yoo-Jung sa Because I Love You sa Nobyembre 27.

Handog ang mga restored classic ng sikat na love teams na mapapanood tuwing Linggo, 9 p.m. Kiligin muli sa Forevermore nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa (Nob. 13), Dahil Mahal na Mahal Kita nina Claudine Barretto at Rico Yan (Nob. 20), at Bakit ‘Di Totohanin nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos (Nob. 27).

Makisama ring mag-marathon sa You’re My Boss (Nob. 11) sa Star Cinema Primetime, Lunes hanggang Biyernes, 7 p.m.

Available ang Cinema One sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56 at iba pang local cable service providers.

AUTHOR PROFILE