Derek

Derek nadale ng altitude sickness, pinagtawanan ni Ellen

November 9, 2022 Jun Nardo 420 views

NADALE ng altitude sickness si Derek Ramsay sa biyahe nila ng asawang si Ellen Adarna sa Peru para doon i-celebrate ang kanilang unang wedding annivesary.

Ipinakita ni Derek sa kanyang lugar ang isang picture na kahit daw magkaroon siya ng altitude sickness, eh, worth it naman.

Sa Instagram story ni Derek, makikita siyang nakahiga habang humahalakhak ang asawang si Elllen sa kanya.

“Thank you @mariaelenadarna for laughing at me and sleeping on me on this traumatic and unforgettable experience #thoughtiwasgoingtodie #imstillalive,” caption ni Derek.

Sagot naman ni Ellen, “Breathe in, breathe out. Slow breathes my love. It’s all in your head.”

Sariling anak na lang ang kulang kina Ellen at Derek lalo na’t malabo pa kung kailan sila babalik sa showbiz.

CELEB CLIENTS

ILAN sa celebrity clients ng Little Lamb’s Salon-Spa for kids sina Paul Salas at Mika de la Cruz noong mga bata pa sila.

Naging atraksiyon ito sa mga bata bago ang pandemic dahil talagang complete package ang mararanasan nila. Pero naapektuhan din ang negosyong ito nina Dr. Lynne at Dr. Carl Balita.

Matutuwa ang parents ng mga bata dahil nagbukas ang branch nito sa Connecticut Arcade sa Greenhills nitong nakaraang mga araw.

Rason ni Dr. Lynne, kung ang matatanda, eh, nagawa i-pamper ang sarili, puwede ring matikman ito ng mga bata.

Dahil sa Greenhills ito, puwede muna nilang iwan ang anak sa Little Lamb habang nagsa-shopping, huh!

Isang pediatrician si Dr. Lynne at US-certified infant massage specialist.

AUTHOR PROFILE