Heart

Heart, pinatulan ang netizen na nagsabing mukha siyang butiki

November 9, 2022 Vinia Vivar 303 views

Hindi inurungan ni Heart Evangelista ang isang basher na walang patumanggang nang-okray sa kanya at sinabihan siyang mukha siyang butiki.

Makikita ang komentong ito sa Instagram video ni Heart last November 2 kung saan ay makikitang nagbibihis ang aktres ng kanyang OOTD (outfit of the day).

Inulan ng likes at positive comments ang post ni Heart pero may isang netizen na wagas kung makapanglait.

“U look like butiki! LOL!” komento ng netizen.

At hindi naman ito pinalampas ni Heart. Buong ningning din naman siyang sumagot at nang-asar.

“OMG! I really tried to look like that!! Buti ka pa effortless,” sagot ni Heart.

In fairness, parang kumalma naman ang netizen at medyo bumawi sa kanyang next comment.

“I don’t mean harm or bad way,” sey ng netizen.

Hindi na nag-reply pa si Heart.

AUTHOR PROFILE