Donbelle

DonBelle emosyonal sa finale presscon ng Kapamilya serye

April 14, 2024 Ian F. Fariñas 75 views

HINDI naiwasang maging emosyonal ng halos lahat ng cast members ng Kapamilya series na Can’t Buy Me Love sa ginanap na grand finale mediacon sa Seda Hotel kamakailan.

Ito ay matapos nilang balikan ang lahat ng pinagsamahan sa loob ng walong buwan.

Ngayon nga, nahaharap ang cast sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Ramdam na ramdam na nilang lahat ang sepanx o separation anxiety.

Ayon sa beteranang si Nova Villa, na gumaganap bilang “Mamang” sa karakter ni Donny na si Bingo, sobra niyang mami-miss ang Can’t Buy Me Love co-stars and directors dahil naging parang tunay na pamilya na ang turingan nila sa set.

Hindi na namin nabilang kung ilang beses naluha ang cast, maging sina Donny at Belle, sa mediacon habang binabalikan ang naging experience sa paggawa ng Kapamilya serye.

Ayon sa DonBelle, forever nang tatatak sa kanila ang mga karakter nilang sina Bingo at Caroline.

Ani Donny, espesyal ang naging relasyon niya, lalo na kay Nova, dahil talagang malapit umano siya sa lola sa tunay na buhay.

Kwento ng anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, “Ang dami naming eksena ni Tita Nova, actually. Nu’ng pinitch po sa akin ito, hindi po ‘Mamang’ ang tawag ko sa kanya (Nova), si Bingo. Pero sinabi po sa akin siya ‘yung ituturing kong nanay dito sa show na ‘to. And growing up I was very close with my great grandmother. We did everything together, literally. She would bring me to tennis practice, she would bring me to school. She lived with us, actually. She lived with us and I treated her like my mother as well. When my mom wasn’t home, she was busy. And when I lost my great grandmother, I think it was four years ago, parang wala pang nag-replace nu’n sa akin. And ang pangalan po niya ay ‘Mamang.’ And I actually requested if we can call ‘Mamang’ ‘Mamang’ sa show para doon ko mahuhugot ‘yung relationship namin and I couldn’t imagine anyone else perfect for the role but Tita Nova, kasi grabe po ‘yung binigay niya sa akin dito sa show. Never siyang nag-no,” at dito nga ay gumaralgal na ang boses ni Donny.

“Kahit sobrang hirap ng eksena, kitang-kita na nahihirapan na siya, game pa rin. Kahit overtime na,” patuloy niya.

“Kaya, Tita Nova, maraming salamat po. Never ko pong naranasan ito with anyone else. Kasi iba po ‘yung sobrang lapit ko po sa lola ko. So, maraming salamat. Sa lahat din po ng cast, ganu’n din po ‘yung nakita ko,” dagdag pa ni Donny.

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, abangers na lang kung ano ang magiging ending ng kanilang love story. Abangan din kung sino ba talaga ang pumatay sa nanay ni Caroline (Shaina Magdayao).

Kasama ng DonBelle sa cast sina Ruffa Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Inah Raymundo at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE