Beadom

Bea tinuldukan ang pagiging ‘hopia’ ni Dominic

April 15, 2024 Jun Nardo 66 views

TINULDUKAN na ni Bea Alonzo ang anumang ugnayan na dating fiancé na si Dominic Roque.

Ayon sa reports, eh, binura na ni Bea ang Instagram photos niya na kasama si Dominic, huh! Saklap naman!

Of course, may naglalabasan pa ring posts na parang umaasa pa si Dom na magkakabalikan sila ni Bea.

Kaso, si Bea na mismo ang talagang tumapos sa anumang ugnayan nila ng dating dyowa.

Hanggang ngayon, eh, marami pa rin ang nahihiwagaan sa hiwalayang Bea at Dom na tanging sila lang at ang malalapit sa kanila ang nakaaalam.

AUTHOR PROFILE