Lovi

LOVI PINANINDIGAN ANG PAGSUNOD SA MGA YAPAK NI FPJ

April 15, 2024 Jun Nardo 65 views

PINANINDIGAN na ni Lovi Poe ang pagsunod sa mga yapak ng amang si Fernando Poe Jr.

Sa mediacon ng Regal Entertainment movie na Guilty Pleasure kung saan bida si Lovi as lawyer, ibinalita niya na nakagawa na siya ng teaser ng coming movie niya under her own film production.

Bitin nga lang ang balita niya dahil wala na itong iba pang detalye.

Eh, kahit hindi pa ipinalalabas ang movie ni Lovi sa Regal na Untamed, heto muli siya at binigyan ng bagong movie.

“Malaki ang gratitude ko sa Regal na siyang nagtiwala sa akin upang maging artista at bida pa. Ang Regal ang unang nagtiwala sa akin kaya naman basta may project para sa akin, eh, binibigyan ko talaga ito ng oras,” pahayag ni Lovi.

Makakasama ni Lovi sa Guilty Pleasure sina JM de Guzman at Jameson Blake.

Mula ito sa direksyon ni Connie Macatuno na nagdirek sa kanya sa pelikulang Malaya.

AUTHOR PROFILE