Vice

Vice sinopla ang netizen na nakialam sa bardagulan nila ni Anne

April 15, 2024 Vinia Vivar 59 views

Sinagot ni Vice Ganda ang isang netizen na pinagbintangan siya na wala siyang respeto kay Anne Curtis.

Nabasa ng Unkabogable Star ang tweet ng isang netizen sa X (dating Twitter) na sinasabihan siya na huwag pisikalin si Anne at irespeto naman niya ang kaibigan.

“Okay lang ‘yung mag bwisitan at asaran pero wag mong pisikalin si Anne Meme, respect mo parin pagiging babae nya. I have watched one time sa Tawag ng Tanghalan biniro ka ni Jhong may nilagay sa buhok mo tapos bigla mong sinabunutan si Anne napagbintangan mo sya. Respect mo parin sya,” payo ng netizen kay Vice.

Hindi ito pinalampas ng noontime show host at sinabihan din ang netizen na sila ni Anne ang magde-decide kung paano sila magharutan.

“’Wag nyo po kaming alalahanin. Kami mo po ang may relasyon kaya kami po ng magdedecide kung paano kami maghaharutan. Iba iba po ang dynamics ng mga magkakaibigan,” sagot ni Vice.

Ipinagtanggol din ng ibang netizens si Vice at sey nila, matagal nang nagbabardagulan talaga ang It’s Showtime hosts at enjoy ang viewers sa kanilang harutan.

AUTHOR PROFILE