Lovi

Lovi wish kabugin si Angelina Jolie

April 15, 2024 Vinia Vivar 64 views

Finally ay matutupad na ang matagal nang dream ni Lovi Poe na maging action star tulad ng kanyang yumaong amang si Da King Fernando Poe Jr.

Inanunsyo niya na may gagawin siyang isang action movie with Direk Richard Somes.

“That’s something I really want to do. I’ve been in the industry for a while and I’ve never really done an action film, an action TV series. So, ito ‘yung magiging really, like, first ko talaga. So, I’m really looking forward to that. Dream ko talaga ‘yung gumawa ng action film,” sabi ni Lovi sa mediacon ng upcoming film niya sa Regal Entertainment na Guilty Pleasure. Nai-shoot na nga umano nila ang teaser at dito pa lang ay talagang nag-all out na siya.

“My God, teaser pa lang, pagod na pagod ako but in a good way. Kasi I love doing physical activities. So, I remember that I was exhausted but I was happy.

“But ganu’n naman talaga when you’re on set, actually. Our job looks super-glamorous but it’s so exhausting,” ani Lovi.

Asked kung kakabugin ba niya si Angelina Jolie sa Hollywood action film nitong Tomb Raider, natawa si Lovi.

“Oh, my God, I wish, ‘di ba? But then, that’s just a dream because, I mean, come on, Angelina is Angelina,” aniya.

Ratsada ang career ngayon ni Lovi both locally and internationally.

May dalawa siyang Hollywood films na natapos na niya ang isa at dito naman sa ‘Pinas ay dalawang pelikula rin ang gagawin niya.

Ang isa nga rito ay ang Guilty Pleasure with JM de Guzma and Jameson Blake directed by Connie Macatuno.

AUTHOR PROFILE