Dolly

Dolly de Leon Hollywood greats ang tinapatan bilang best supporting actress sa Golden Globes

December 13, 2022 Aster Amoyo 395 views

Dolly1Dolly2

ISA na namang Filipina ang patuloy na naglalagay sa international map sa pamamagitan ng 53-year-old actress na si Dolly de Leon na isa ngayon sa mga nominado sa Best Supporting Actress
category sa darating na 2023 The Golden Globe Awards na gaganapin sa darating na January 10, 2023 at 8 p.m. at the Beverly Hilton in Beverly Hills, California, USA to be hosted by comedian Jerrod Carmichael.

Ang Best Supporting Actress nomination ni Dolly sa 2023 Golden Globe Awards ay para sa pelikulang “Triangle of Sadness” where she played the role of Abigail, isang cleaning lady ng isang luxury cruise who takes order from Paula na siyang head ng crew. \

Ang “Triangle of Sadness” ay mula sa panulat at diresyon ni Ruben Ostlund ay siyang ginawaran ng Palme d’Or (Golden Palm) sa 2022 Cannes Film Festival, the highest prize awarded by the said filmfest.

Earlier, Dolly was awarded as Best Supporting Actress by the Los Angeles Film Critics Association. She also won Best Supporting Actress at the Middleburg Film Festival held in Virginia, USA which she shared with Ke Huy Quan last October.

The Filipina actress has already signed up with Fusion Entertainment for management as well as with Gersh Agency kaya hindi kataka-taka kung sa Amerika na rin ito mag-base eventually.

Maituturing na underrated actress sa Pilipinas si Dolly na nagsimula sa stage acting hanggang sa siya’y mag-cross over sa telebisyon at pelikula doing bit and supporting roles since 1991. She was mentored by the late National Artist for Theater na si Tony Mabesa. Siya’y nagtapos ng Bachelor of Arts in Theater sa University of the Philippines in Diliman, Quezon City in 1995.

In 1991, naging bahagi siya ng ‘Shake, Rattle & Roll III” movie ng Regal Films and have worked with seasoned directors na dina Lav Diaz, Erik Matti at Antoinette Jadaone.
It was in 2018 nang siya’y mag-audition for her role of Abigail sa “Triangle of Sadness” not knowing na siya’y matatanggap. The movie was entered sa 2022 Cannes Film Festival.

Her role as Abaigail na isang `toilet manager’ was considered a “scene stealing” and breakout role ng Variety Magazine.

Dolly considers stage acting as her first love. Although nakagawa lamang siya ng ilang TV and movie projects tulad ng “Hintayan sa Langit” in 2018, “Verdict” in 2019 at “Historya ni Ha” in 2021, she won as Best Supporting Actress for “Verdict” mula sa FAMAS Awards at Luna Awards and another Best Supporting Actress trophy mula sa Gawad Urian for the movie “Historya ni Ha” at kasunod na rito ang kanyang kauna-unahang international movie project, ang “Triangle of Sadness” na siyang nagdala sa kanya ng kanyang first international nomination bilang Best Supporting Actress” sa 80 th Golden Globe Awards 2023 for “Triangle of Sadness”.

Dolly is pitted against her co-nominees as Best Supporting Actress tulad ng mga Hollywood greats na sina Angela Basset, Kerry Condon, Jamie Lee Curtis at Carey Mulligan.

JoeyJoey1TVJ

Joey wala nang dapat patunayan pa

TILA nasabik ang mga taga entertainment media sa veteran actor-comedian- host na si Joey de Leon at the grand presscon ng Metro Manila Film Festival movie na “My Teacher” na pinagbibidahan nila ni Toni Gonzaga na dinirek ni Paul Soriano and joint venture ng Ten17P (ni Direk Paul) at TinCan Productions (ni Toni) dahil ito ang tinadtad ng tanong during the Q&A portion.

Magmula ng magka-pandemic ay `work from home’ na si Joey gayundin si Vic Sotto na bihira na ring lumabas ng bahay.

Ayon sa mag-asawang Direk Paul at Toni ay challenge umano sa kanila ang pagtanggap ni Joey ng role niya sa “My Teacher” dahil kinailangan nitong lumabas at mag-report sa set during the entire shoot ng pelikula which took them about a month. But the celebrity couple were both glad na tinanggap ni Joey ang proyekto na talagang tailor-made for him mula sa panulat at
konsepto ni Toni.

While filming the movie ay marami umano silang natutunan kay Joey na maraming ibinahagi sa mag-aasawang Direk Paul at Toni maging sa ibang bumubuo ng cast tulad nina Carmi Martin, ang magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio, Pauline Mendoza at iba pa.

Hindi umano selfish si Joey mag-share ng kanyang mga nalalaman sa mga bagong henerasyon ng talents.

Tulad ng ibang celebrities, si Joey ay produkto rin ng isang broken family.

He was only three years old nang magkahiwalay ang kanyang parents at siya’y naiwan sa kalinga ng kanyang ina. Ang kanyang Spanish father ay bumalik ng Madrid, Spain and remarried there.

Si Joey ay nagtapos ng architecture sa National University in Manila at naging kaklase naman naman niya in Grade IV ang nag-iisang si Lolit Solis na madalas umano niyang `kaaway’ sa kanilang klase dahil siya ang `teacher’s pet’ at parati namang pinagagalitan ng teacher si Manay Lolit. Walang kaalam- alam ang dalawang elementary classmates na muling magku-krus ang kanilang landas nang pareho silang pumasok ng showbiz sa magkaibang direksyon.

Henyo ang tawag ng marami kay Joey dahil sa pagiging matalino nito sa maraming bagay.

It was in the late 60’s nang siya maging disco jockey (DJ) sa isang radio station and had since worked with 12 different radion stations (including 7 radion stations of ABS-CBN). Nagsimula naman ang kanyang TV career in early 1970’s nang kanyang gawin sa old IBC-13 ang gag show na “Okey Lang,” along with the late Ricky Manalo, Val Sotto, Tito Sotto at iba pa. He has since hosted other TV shows including “The Music Factory” and “Discorama” kung saan niya niyakag ang magkapatid na Tito Sotto at Vic Sotto to join him. Sa programang “Discorama” of the late TV host-producer Bobby Ledesma nabuo an Tito, Vic & Joey at doon nagsimula ang kanilang parody ng mga current hits at ginawa itong “Tough Hits”.

Sa programang “Discorama” on GMA unang sumikat ang Tito, Vic & Joey hanggang sila’y isama noon sa noontime show na “Student Canteen” ng Program Philippines, Inc. ng mag business partner noon na sina Eddie Ilarde at Bobby Ledesma. Pero nang dumating ang alok ni Tony Tuviera ng Television &; Production Exponents, Inc. (TAPE) for them to host a new noontime show for
RPN-9, ang “Eat Bulaga” doon lahat nagbago ang takbo ng karera ng Tito, Vic &; Joey, ang pillars ng top-rating and longest-running noontime show hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Needless to say, wala nang dapat pang patunayan ang Tito, Vic & Joey na maituturing nang icons hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Samantala, nagpapasalamat si Joey sa mag-asawang Direk Paul at Toni sa tiwalang ibinigay sa kanya sa pelikulang “My Teacher,” isang pelikulang tiyak na maiibigan ng lahat laluna ng buong pamilya ngayong Kapaskuhan.

AUTHOR PROFILE