Loinie

LoiNie, nilinaw ang isyu sa nawalang P1B

December 13, 2022 Vinia Vivar 121 views

Kasama sa mga nawala kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang crypto-currency investment nila worth P1 billion nang mabiktima sila ng Basag-Kotse Gang sa Cavite kamakailan.

Ang nasabing crypto currency ay nasa application ng kanilang mobile phone na nakuha ng mga kawatan.

Hindi pa nila ito nababawi dahil hindi na nila alam kung paano ito bubuksan sa ibang device.

Nakausap namin ang LoiNie sa media conference ng Metro Manila Film Festival 2022 na My Teacher at nilinaw nila ang tungkol dito.

Marami kasi ang nag-akala na P1 billion ang nawala sa kanila.

“Nagulat din po kami sa reaksyon nila,” sey ng dalawa, “sa Pilipinas kasi, hindi sila techie. Nakakatuwa nga ho, eh, ‘yung mga nakakaintindi about sa crypto, naiintindihan nila, tumutulong sila, ang ganda ng mga comment nila.

“Pero ‘yung mga peanut na tao na iba, hindi nila alam, tinatawanan nila kami.”

Nilinaw nila na hindi P1 billion ang investment nila kundi 1 billion coins.

“Basta ang punto po nito, hindi ho P1 billion ‘yung binigay naming pera at nawala sa amin, hindi po. One billion coins po ‘yun, tig-1 billion coins po kami,” paliwanag ni Ronnie.

In pesos ay more or less equivalent to P2M daw ang halaga ng investments nila.

Sa kasalukuyan ay may nilalapitan na silang tao para matulungan silang mabawi ito.

Kung hindi mabawi ay mag-iipon na lang sila ulit. Thankful naman sila na kahit may mga nawala ay mayroon din namang bagong blessings na dumarating.

Obvious na naghahanda na ang LoiNie sa kanilang future, pero nang tanungin kung kailan ba nila balak magpakasal, sey nila, wala pa sa plano dahil gusto muna nilang ma-secure ang kanilang future bago lumagay sa tahimik.

Anyway, happy ang LoiNie na maging part sila ng My Teacher na collaboration ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga.

Mas lalo pa silang natuwa nang malaman nilang si Toni mismo ang may gusto na makasama sila sa movie.

“Sobrang grateful, na-appreciate namin. Kasi kung hindi dahil du’n, wala naman kaming MMFF na entry, ‘di ba? So, dahil kay Ate Toni, grateful kami na napasama kami rito sa My Teacher,” sey ni Loisa.

Super thankful din sila kay Direk Paul dahil after nila gawin ang My Teacher ay binigyan ulit sila ng bagong pelikula.

Ang My Teacher ay pinagbibidahan nina Toni and Joey de Leon mula sa direksyon ni Direk Paul under Ten17P Productions at TinCan Productions.

AUTHOR PROFILE