Bataan congressman Abet S Garcia Si Bataan congressman Abet S Garcia (kanan, nakaupo) at mga taga DOE at Kongreso sa kanilang pagpupulong sa clean energy. Kuha nin CHRISTIAN D SUPNAD

DoE, Kongreso isinusulong green, indigenous energy

January 29, 2023 Christian D. Supnad 263 views

UPANG maiwasan ang air pollution, isinusulong na ngayon ng Department of Energy at Kongreso ang green, indigenous at sustainable energy para sa mga susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni Bataan congressman Abet S. Garcia (2nd district) na nagsabing “ang inyo pong lingkod ay dumalo sa isang pulong sa Department of Energy, kung saan tinalakay ang Energy Legislative Reforms, na naglalayong makalipat sa green, indigenous, at sustainable energy mix, at makapagbigay ng matatag ngunit abot kayang pinagkukunan ng enerhiya para sa mga Pilipino.”

“Inilahad po natin sa nasabing pulong ang ating mga mungkahi kung paano makatutulong sa atin ang mga microgrid sa pagbibigay ng mga abot kayang mapagkukunan ng enerhiya kasabay ng pagsusulong natin ng green and sustainable energy, at kung paano natin maipatutupad ang mga mungkahing para sa kabutihan ng ating mga kababayan,” ani Garcia.

Ibinahagi rin ng Bataan solon kung paano naipatutupad ang konseptong ito sa Freeport Area of Bataan, at ang mga positibong epekto sa pagpapalago ng ekonomiya sa Lalawigan ng Bataan.

Patuloy po ang ating mga pagsisikap sa pagtataguyod ng mga sustainable na pamamaraan para lalo pang tumaas ang kalidad ng pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeno,” dagdag pa ni Garcia.