Eleksyon

Dodoblehin pa namin ang aming trabaho — ACT-CIS

May 10, 2022 People's Tonight 318 views

KUNG marami kaming natulungan noong 2016 hanggang ngayon, dodoblehin pa namin yun in the coming months”.

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo matapos manguna na naman ang kanilang partylist sa partial ang unnoficial count ng mga boto matapos ang matagumpay na pagdaraos ng May 9 polls.

Ayon kay Tulfo, taos-puso silang nagpasalamat sa lahat ng bumoto sa ACT-CIS.

“Maraming-maraming salamat po sa tiwala. Hihigitan pa namin ang aming mga nagawa nitong mga nagdaang taon sa pagtulong sa mga inaapi, kapus-palad at ang aming performance sa kongreso”,.anang broadcast journalist na si Erwin.

“I guess people see if you keep your promises during the  previous election. Then they translate it into votes  in the next election particularly at the national level,”.pahayag pa ni Tulfo.

Naniniwala si Erwin na kaya sila muling nanguna sa election sa ikalawang pagkakataon ay dahil dama, nakakarating at nakikita ng taong bayan ang kanilang tulong at performance.

“We adhere to  politics of performance rather than politics of words” pahabol ni Erwin Tulfo.

AUTHOR PROFILE