Diwata

Diwata timbog sa pananakit, nakalaya

April 18, 2024 Edd Reyes 79 views

INARESTO ng pulisya ang social media personality na si Diwata dahil sa pananakit noong 2018 sa Pasay City noong Martes.

Dinakip si Diwata, 42, na Deo Balbuena sa tunay buhay, dakong alas-10:00 ng umaga ng mga tauhan ni Pasay Police Chief P/Col. Mario Mayames sa bisa ng warrant of arrest dahil sa pananakit noong 2018.

Nakalaya naman agad ang socmed sensation matapos magpiyansa ng P3,000.

Pumunta ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/Lt. Alexander Macarunay sa kanyang Diwata Pares Overload sa J. W. Diokno Blvd. sa Brgy. 76 Zone 10 bitbit ang warrant of arrest para sa kasong slight physical injuries.

Pumutok si Balbuena sa social media dahil sa kanyang malinamnam na pares na abot-kaya ng mga mamamayan ang presyo.

AUTHOR PROFILE