Dennis1

Dennis nanatiling close kay Claudine sa kabila ng ‘away’ kay Marjorie

February 25, 2024 Aster Amoyo 132 views

DennisGAY ang role ni Dennis Padilla sa romantic-comedy launching movie ng mga Kapamilya young talents na sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad at Beaver Magtalas na pinamagatang “When Magic Hurts.”

Inamin ni Dennis na nagkaroon umano sila ng bonding moment ni Claudine while filming the movie lalupa’t matagal umano silang hindi nagkita. Nagkataon na very close ang dating mag-brother-in-law na sina Dennis at Claudine at hindi umano nasira ang kanilang pagkakaibigan kahit nagkahiwalay sila ng kanyang ex-wife ng nakatatandang kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto with whom he has three children – sina Julia, Claudia at Leon na matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita at nakakasama. Pero hindi ikinakaila ng komedyante na napaluha umano siya nang makatanggap siya ng birthday greetings last February 9 sa kanyang panganay kay Marjorie na si Julia. Umaasa si Dennis na sana’y muli silang magkita-kita ng kanyang mga anak na sobra na rin umano niyang nami-miss. At kapag dumating ang pagkakataon na ikasal si Julia sa nobyo nitong si Gerald Anderson, umaasa ang actor-comedian na sana’y siya ang maghatid sa kanyang anak sa altar o kung hindi man ay maimbitahan man lamang daw siya sa kasal ng anak.

Hindi niya ikinakaila na inaasam-asam niya ang mga araw na muli niyang makasama ang kanyang mga anak regularly o sa mga panahong libre sila at magkaroon umano sila ng bonding moment bilang mag-aama.

Dennis has seven children sa tatlong magkakaibang babae. May dalawa siya sa una niyang wife na si Monina Gatus na sina Dianne (33) at Luis (32), tatlo kay Marjorie na sina Julia, Claudia at Leon at dalawa naman sa kanyang present partner, ang Fil-Australian na si Linda Gorton na sina Gavin at Maddie. May isa rin siyang step-daughter kay Linda, ang almost 19-year-old na si AC.

Kung si Dennis lamang ang masusunod ay gusto niyang maging close sa isa’t isa ang kanyang mga anak kahit magkakaiba ang kanilang mga ina.

Beaver at Mutya kinakabahan

PicPic1HINDI ikinakaila ng baguhang actor na si Beaver Magtalas na nakakaramdam umano siya ng kaba at pressure sa kanilang launching movie ng dating child star na si Mutya Orquia. Ang “When Magic Hurts” na pinamahalaan ni Gabby Ramos dahil sila umano ang magdadala ng pelikula na malapit na ring ipalabas sa mga sinehan.

Ang nasabing pelikula ang naging daan para magkalapit sa isa’t sina Beaver at Mutya na hindi malayong pagtambalin ng ABS-CBN bilang magka-loveteam. Open naman ang dalawa kung ito’y mangyayari dahil malapit silang magkaibigan na lalong nagkalapit nang gawin nila ang first movie nila together na kuwento at konsepto ni Angel Gwenavere mula sa panulat at direksyon ni Gabby Ramos (na siya ring director ng “Loyalista: The Imelda Papin Story” ng Jukebox Queen na si Imelda Papin). Tampok din sa nasabing pelikula sina Claudine Barretto, Soliman Cruz, Angelica Jones, Archie Adamos, Pantene Palanca, Aileen Papin, Mohaira Senama, Julian Roxas, Denna Bautista, Whitney Tyson, Blumark Roses, Cassie Kim, Josie Tagle, Kris Valdellon at Quia Barretto. Ito’y kinunan sa napakagandang lugar ng Atok Mountain ng Benguet.

Sylvia hindi pa rin alam kung kailan pakakasal sina Ria at Zanjoe

SylviaVERY hands on mother ang award-winning actress at entrepreneur na si Sylvia Sanchez bilang wife sa kanyang mister, ang businessman na si Art Atayde at bilang ina sa kanyang mga anak na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi. Ang aktres ay may isa ring anak sa una nitong nakarelasyon na si Pia pero nanatili itong low profile lamang.

Although si Sylvia ang brains and supervision ng kanilang family business, ang Nathan Studios, Inc. kung saan ang anak na si Ria Atayde ang tumatayong President-CEO, inamin ng veteran actress na itinayo umano niya ito para sa kanilang mga anak ni Art na tinuruan na niyang magpatakbo ng negosyo.

“Hindi naman forever na kasama nila kami ng daddy nila,” ani Sylvia.

“Ang gusto ko ay maging self-reliant ang mga anak ko kahit wala kami,” dugtong pa niya.

“Hindi naman pang-forever ang showbiz at may mga pagkakataon na mawawalan ka ng proyekto at hindi mo alam kung kailan darating ang next project mo,” niya.

“Kapag may negosyo ka at ibang pinagkakakitaan, hindi ka lang aasa sa showbiz career mo,” patuloy niya.

“Sa awa naman ng Diyos, maganda ang takbo ng itinayo naming negosyo at na-expose nang maaga sa pagne-gosyo ang mga anak ko laluna si Ria,” patuloy pa niya.

Ria is now engaged sa kasintahan nitong actor na si Zanjoe Marudo. Ang dalawa ay unang nagkatrabaho sa TV series na “Dear Heart” but at that time ay mukhang wala pang attraction sa kanilang dalawa .

Hindi pa man noon magkasintahan sina Zanjoe at Ria ay very close na ang actor kay Sylvia dahil ilang beses din silang nagkasama sa ilang TV series ng ABS-CBN.

“Noon pa man ay alam ko na kung gaano kabait at ma-respeto si Zanjoe,” pagmamalaki pa niya sa kanyang mamanuganin.

Walang idea si Syvlia kung this year o sa isang taon pa gaganapin ang kasal ng dalawa. Ang mahalaga ay nakasuporta umano sila ng kanyang husband na si Art sa desisyon ng dalawa.

“After all, nasa tamang edad na sila,” deklara pa niya.

Sarah pararangalan sa Amerika, sasamahan ni Matteo

THIRTY-five-year-old Pinoy Pop Superstar Sarah Geronimo is the very first Filipina to be awarded sa Global Force Award sa gaganaping Billboard Women in Music 2024 na nakatakdang ganapin sa YouTube Theater in Los Angeles, California, USA sa darating na March 6 at inaasahang dadalo ang misis ng singer, actor, entrepreneur na si Matteo Guidicelli at malamang samahan siya ng kanyang husband sa nasabing event

Malayu-layo na rin ang narating ni Sarah laluna’t may kinalaman ito sa kanyang artistry bilang singer-performer at celebrity endorser.

Speaking of Sarah, patuloy pa ring umaasa ang kanilang mga followers ni Matteo na sana’y mabiyayaan na rin sila ng anak lalupa’t apat na taon na rin silang mag-asawa ni Matteo. While they are already fur parents sa kanilang limang aso sa loob ng kanilang bahay, iba pa rin kung sila’y magiging magulang ng kanilang magiging supling o mga anak balang araw.

Bukod sa concert together, umaasa rin ang mga tagahanga ang AshMatt na magsama rin ang dalawa sa isang movie na silang dalawa ang mga pangunahing bitun.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE