Julia

Dennis may mensahe kay Gerald para kay Julia

February 25, 2024 Eugene E. Asis 90 views

DennisNA-AMBUSH interview namin ang actor-comedian na si Dennis Padilla sa labas ng venue sa Luxent Hotel kung saan idaraos ang presscon para sa pelikulang ‘When Magic Hurts’ kung saan malaki ang kanyang role kasama sina Mutya Orquia, Beaver Magtalas at Maxine Trinidad.

Noong isang araw, nasulat namin dito sa People’s Journal ang tungkol sa pagpapadala sa kanya ng birthday greetings ng anak na si Julia Barretto noong February 9 na 62nd birthday niya.

Nag-jump kami sa conclusion na daan na ito ng tuluyang pagkakaroon muli ng magandang relasyon sa dalawa at malay natin, kung sakaling ikasal na si Julia sa boyfriend nitong si Gerald Anderson, siya ang maghahatid sa anak sa altar.

“I hope so naman,” aniya. “Dahil siyempre ano yan eh isang pangyayari sa buhay ng aking anak na talaga namang napaka-importante. I’m sure kung matutuloy yung ako ang maghahatid sa anak ko sa altar, maiiyak ako…”

Pero sabi niya, saka na muna ang usapan tungkol sa kasalan. “Hayaan muna natin silang magsyota…”

Halatang pinipigilan ni Dennis ang kanyang luha nang ibalik namin ang tungkol sa birthday greetings ni Julia.

“Naluha ako du’n. That was sweet. Para bang tagos sa puso yung… mararamdaman. That’s why I’m so happy. I hope mailibre ko siyang mag-dinner or lunch. Pero busy pa siya. Ang daming projects.M

“Hindi lang si Julia, gusto ko rin siyempre makita si Claudia, saka si Leon kasi almost a year ko na silang hindi nakikita. More, I think more,” patuloy na sagot ni Dennis na tinutukoy ang iba pa niyang anak kay Marjorie Barretto.

Kailan ba sila huling nagkita ni Julia?

“Well, matagal na. One year ago na.”

Bigla naming naalala na malapit na ang birthday ni Julia. reaksyon niya, “Oo, sa March 10, 27 na siya.”

Sabi namin, March 7 naman ang kaarawan ng boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson. At ang reaksyon ni Dennis, “Si Gerald, kailan ko ba huling nakita si Gerald? Parang mga 10 years ago ko pa huling nakita si Gerald. Baka hindi lang.”

Kung magkikita sila ni Gerald, ano ang sasabihin niya?

“Alagaan mo lang ang anak ko’ng mabuti. Mahal ka niya, kaya alagaan mo.”

Sabi namin, sana magkasama sila ni Julia sa isang pelikula. Reaksyon niya: “Oo nga noh? Maganda ‘yun.”

Sa pagkakatanda niya huli silang nagkasamang mag-ama noon pang 2008 sa Kapamilya series na “Palos” at 9 years old pa lang noon ang anak.

“Hopefully, itong mga darating na panahon, baka magkasama kami sa pelikula dahil the last time na magkasama kami was ABS pa, Palos, the one with Cesar Montano.

“Ako yung sidekick, saka si Redford White. Bata pa si Julia noon,” ani Dennis.

Samantala, excited na si Dennis na mapanood ng mga Pinoy ang “When Magic Hurts” dahil ibang-iba ang karakter na gagampanan niya sa kuwento bilang si Anton Yap, isang gay na siyang mag-aalaga sa karakter ni Mutya.

Pinaghandaang mabuti ni Dennis ang gay role niya sa pelikula. “Pinanood ko yung ‘Tootsie’ ni Dustin Hoffmann at ‘Mrs. Doubtfire’ ng the late Robin Williams. Para ma-refresh lang dahil 1993 pa ako huling gumanap ng gay,” ani Dennis.

Bukod sa lead stars na sina Beaver at Mutya, makakasama rin sa pelikula sina Claudine Barretto, Soliman Cruz, Maxine Trinidad, Angelica Jones, Julian Roxas, Aileen Papin, Cassie Kim, at marami pang iba. Ito’y mula sa panulat at direksyon ni Gabby Ramos, produced by RemsFilms Productions.

AUTHOR PROFILE